Advertisers
Tinatayang aabot sa halagang P19 milyon ang narekber na marijuana sa isinagawang buy bust operation sa Angeles City, Pampanga.
Sa report na tinanggap ni PBGen. Val De Leon kinilala ang mga nadakip na sina Cris Ramos Y Luban, 45; Baby Girl Miguel Y Santos, kapwa residente ng Imus at Tanza, Cavite.
Sa ulat, lulan ng kulay itim na Mitsubishi Xpander, ang mga suspek at ang 155 na bricks ng marijuana, at 16 na vacuum sealed tube na tumitimbang ng 162 kgs na may street value na P 19,440.000.00.
Nabatid na naharang ang sasakyan ng dalawa sa kahabaan ng Clark Side gate Don Juico Ave., Brgy. Malabanias Angeles City.
Inihahanda na ang kaukulang kaso laban sa naarestong suspek.(Thony D Arcenal)