Advertisers

Advertisers

Armas ni Garote sa kolek-tong sa Region 4-A!

0 1,091

Advertisers

PULIS-PULISAN! MEDIA-MEDIAHAN! Ito ang pustora at armas ng “kapustahang” (police tong kolektor) si alyas Jonathan Garote sa kanyang pangongolekta ng lingguhang lagay, suhol, payola o intelhencia gamit ang ultimong pangalan (name-dropping) nina Philippine National Police Chief, Benjamin Acorda Jr., ilan pang matataas na opisyales ng PNP sa Batangas at iba pang lalawigan sa CALABARZON.

Ang “Jonathan Garote ay isa lamang sa maraming alyases na gamit ng nagpupulis-pulisan at nagpapanggap ding radio broadcaster na tong collector, may di lisensyadong baril at taglay ang pekeng reporter’s ID, kaya’t napasok nito at ng kanyang grupo ang mundo ng underworld, tulad ng big-time smuggler at paihi king na si Dondon Alahas.

Bukod sa pagiging kontrabandista ng petroleum product, ang Cebu based na si Alahas ay may puwesto ng paihian malapit lamang sa likod ng bahay ni Calansayan Brgy. Chairman Felix Gutierez sa bayan ni San Jose town Mayor Bien Patron.



Hindi kaya alam nina PNP Chief Acorda Jr., Batangas PNP Provincial Director Col. Samson Belmonte, Laguna PNP Provincial Director Col. Harold Depositar, Quezon PNP Provincial Director Col. Ledon Monte, Rizal PNP Provincial Director Col. Reneiro De Chavez, Cavite PD Col. Elieuterio Ricardo Jr., Batangas CIDG Provincial Officer LtCol. Victor Sobrepena at iba pang CIDG Provincial Officer na ang kanilang mga pangalan ay nakapayola ng lingguhang protection money kay Alahas at iba pang iligalista na kinokolektahan ng grupo nina Garote?

Si Alahas ay lider ng petro smuggling syndicate na nag-ooperate sa lalawigan ng Masbate at Region 4-A. Kasosyo nito ang apat na Filipino- Chinese trader na nakabase sa Batangas City at isang government corporate lawyer na si alyas Carbal. Mahigit sa isa at kalahating taon nang nagpupuslit ang mga ito ng mga petroleum product na nagmumula sa mga bansang Malaysia at Russia gamit ang mga dambulang ocean-going vessel na sinasalubong ng mga mga barge nina Alahas sa karagatan ng Masbate .



Sa isang pier sa Masbate ay isinasalin ng mother ship ang mga smuggled na gasoline at krudo sa mga lokal barge na nirerentahan nina Alahas at dinisdiskarga sa Batangas City Port malapit lamang sa tanggapan ng Bureau of Customs (BOC), Batangas City.

Malaking kantidad din ng kontrabandong petrolyo ang ipinakakarga nina Alahas sa mga tanker truck at dinadala sa kanilang imbakan sa Brgy. Calansayan, San Jose, Batangas.



May parating mang barko o wala ay tuloy ang lingguhang Pph 500K protection money na tara nina Garote kay Alahas at sa mga kasosyo nito

Kabilang pa sa mga kinokolektahan nina Garote ng protection money ay ang maintainner ng puesto pijo na sugalan ng isang Glenda na nagpapakilalang kumare ni Malvar Mayor Cristeta Reyes.

Ang naturang sugalan ng color games, cara y cruz, beto-beto at sakla ay matatagpuan sa tabi lamang ng CP Reyes Satellite Clinic sa gawing likuran ng paradahan ng jeep at mga karinderia sa Brgy. Santiago, Malvar. Bukod kina Garote, kabilang din sa nakapayola kay Glenda ay ang isang mataas na opisyal ng Malvar Municipal Government, ilang Malvar police at opisyal ng Brgy.Santiago.

May pwesto din ng pergalan malapit sa Shell Gasoline Station sa Poblacion ng naturan ding bayan. Parehong nasa ilalim ng area of responsibiltiy (AOR) ang mga ito ng kauupong OIC Police Chief Capt. Nestor B. Serrano.

Nangongolekta din ng lingguhang protection money sina Garote sa “poste” ng STL con-jueteng sa bayan din ng Malvar na si Raffy na inooperate ni alyas Gen Abo-Sayaf aka Gen Abo-Gago sa lahat na barangay ng nasabing bayan. Gayunman, walang aksyon, nganga lamang at mistulang inutil laban sa mga ito si Capt. Serrano?

May pa-jueteng o STL bookies din si alyas Gen Abo Sayaf aka Gen Abo Gago sa bayan ng Laurel. Pinamamahalaan naman ito ng isang police scalawag alyas Encarnacion na kilala ding alyas Enca at Kap Borce na malapit na kamag-anakan ni Laurel Mayor Lyndon M. Bruce? Pasok din sa kolek-tong nina Garote ang Tanauan City gambling/drug operator na sina Ocampo ng Brgy. Bagbag at alyas Kon Burgos ng Brgy. Boot. May tara din kina Garote ang pa-bookies ng STL sa bayan ng Sta Tersita, gayundin ang operasyon ng STL con-jueteng o bookies ni Boss Naome sa munisipalidad ng Calatagan.

Ang pergalan ng mag-asawang drug pusher na sina alyas Boy Good Life at Eve na nakapwesto sa likod lamang ng Lobo Municipal Hall na tanggapan ni Mayor Lota Manalo, ilang metro lamang ang layo sa headquarter nina Lobo Police Chief Major Von Eric F. Gualberto ay may lingguhang tara din kina Garote. Operator din ang salot na mag-asawa sa pergalan naka-pwesto sa Brgy. Pulo, Cabuyao City, Laguna.

Panahon na upang maputol nina Col. Belmonte ang sungay ng grupo nina Garote para di na lumawig pa ang panggagamit ng naturang mga “kapustahan” sa pangalan nina PDGen. Acorda Jr., at iba pang mga PNP top brasses sa kanilang malawakang kolek-tong.

***

Para sa komento: Cp. No. 09664066144.