Advertisers

Advertisers

NAGKUKUMOS NA GALIT NI PERSIDA

0 35

Advertisers

NAGLABAS ng kanyang saloobin itong si Public Attorneys’Office Chief Persida Acosta nang baguhin at ipangalandakan ng dalawang estudyanteng, ang pakilala ay mga environmentalist na kontra sa reclamation yun pala’y mga New People’s Army member na.

Ang panggagaliiti nitong napaka-‘demure’ na abogadang si Acosta sa halos pambabastos na ginawa nila Jonila Castro at Jhed Tamano ay di na nacontrol ni PAO Chief, dahil may sinumpaang salaysay ang dalawa, na kanilang ‘sulat kamay’ pa mismo, bago nanumpa kay PAO lawyer, Atty. Joper Bagay ng Bulacan.

Dismaydo si Acosta sa ipinakita nila Castro at Tamano nang ipresenta na sila sa isang press conference, kung saan bigla silang bumaligtad sa sinumpaang-salaysay at ipinagsigawang dinukot sila ng militar.



Pangbabastos sa serbisyong “libreng” abogado ang ginawa ng dalawa para kay Acosta, at maging siya raw ay talagang nabastusan sa ginawang kasinungalingan ng dalawang batang mag-aaral na talaga namang nalinlang lang ng mga komunistang-teroristang CPP-NPA-NDF.

Kung gugustuhin nga ni PAO Chief ay maaari pang makasuhan ng ‘perjury’ sina Castro at Tamano. Ngunit ipinaubaya niya na lang ang desisyon sa mga opisyal ng pamahalaan involved sa pag-suko ng dalawa.



Pero para kay Acosta, ang nagawa nila Castro at Tamano ay di na dapat pamarisan pa, dahil siya raw mismo ang magsasampa ng kasong perjury sa sinumang humingi ng tulong sa PAO upang ipagtanggol sila, na kalaunan ay babaligtarin ang kanilang sinumpaang salaysay.

Sino ba naman ang matutuwa sa ganyang pag-aasal, niloloko ang sistema ng hustisya, niloloko ang pamahalaan, niloloko ang mga mahal sa buhay partikular na ang kanilang mga magulang, at lalong-lalo na, niloloko ang kanilang mga sarili, sa pagkaka-akap sa idelohiyang salungat sa katotohanan at nararapat.



Pwe! Wala talagang magandang maituturong mabuti sa ating mga kabataan ang mga CPP-NPA-NDF kung di ang lumabag sa pamahalaan at batas.

Dapat talaga, ay kinakalos na ang mga ito. Punong puno ang salop ng kanilang mga kasinungalingan sa tao at inang bayan.