Advertisers

Advertisers

PASS KA NA

0 92

Advertisers

“SO what if I spent my P125 million confidential funds in 19 days, or 11 days as the COA said? I can spend it in an hour, or a minute if I want to… That money is intended for my office, and I can spend it the way I want it to be spent… By its nature it’s CONFIDENTIAL FUND, and you have no business scrutinizing what is confidential…”

Ito ang pabalbal na tugon ni Sara Duterte noong Setyembre 25, nang tanungin siya tungkol sa hindi maipaliwanag na paggastos ng OVP sa inilaan na P125 milyon noong 2022. Didiretsuhin kita: Hindi mo pwedeng kibit-balikat ito nang walang paliwanag na may kalakip na “cuentas claras.” Kung akala mo uubra ang balbal na sagot sa isang lehitimong tanong, eh ginagago mo ang taumbayan. Mabuti na lang at napuna ito at kahit ang mga kasapakat mo ay nag- “panic mode” kaya napilitan ang pinuno ng House appropriations committee Rep. Zaldy Co na ilaan ang P650 milyon na hinihinging confidential funds ng OVP para pondohan ang mga ahensyang nagsasagawa ng mga aktibidad laban sa mga pagbabanta sa West Philippine Sea. Mabuti naman at natauhan ang mga kasapakat sa Kamara. Siguro “in-aid-of self preservation” naisip nila na imposibleng ipasa ang budget na hinihingi ng OVP sa kawalan ng matatag na dahilan.

Maalala natin na ginawa na ng tatay niya ang ganitong asta noong siya ay pangulo. Bagaman, meron pa rin isang “physically present but mentally absent” sa pagkatao ni Bato dela Rosa na nagmungkahi noong Setyembre 26 na ilipat ang pondo sa DFA. Ayon kay Bato: ” Because alam kong our counterparts from other countries, malaki ang malaki ang investment sa kanilang DFA… For James Bond purposes of other countries, ang laki ng investment nila sa kanilang DFA… Tayo lang jine-James Bond. I would like to move, we need that confidential fund para dito sa DFA…” Tinanong ni Senate Minority leader Koko Pimentel si Kalihim Enrique Manalo ng DFA kung humihingi sila ng pondo. ” No we’re not asking…” tugon ni Manalo. Supalpal si Bato, kaya balik siya sa “row four” kasama ang ibang “non-performing assets” ng Senado.



Napupuna ko na nagugunita na ang puwang sa pagitan ng pangulo at pangalawang pangulo na “diametrically opposed ” o magkaiba ng pulitika. Si Marcos at kasapakat niya ay pro-US, samantala si SWOH at kasapakat niya, kasama ang ama ay pro-China. Parang langit at lupa, parang tubig at langis, na sa kalaunan ay kailanman hindi paghahalo. Amazing nin natin na ang politika natin ay pro-US, hindi lang dahil kinagisnan na ito sa kasaysayan, sa pananaw ng nakararami ang kanluran ay kumakatawan sa moralidad, kalinisan ng ugali, kalinisang-asal, o kagalingan ay ang pagkakakilala ng tao sa kung alin ang tama at mali. Ito ang pamantayan ng pag-uugali at magandang asal, lalo na kapag nag uugnay sa delikadesa at tamang pag-iisip. Salamat Wikipedia sa paliwanag. Pero balikan natin ang isyu: mahirap magtiwala kay SWOH. Tingnan natin ang datos ng confidential funds niya noong siya ay punongbayan ng Davao mula 2016 hanggang 2022:

2016- P144-M ( dito naghati nila sa termino ni Rodrigo Roa Duterte)



2017- P294-M

2018 – bumulusok ito sa P420-M



2019- P460-M

2020- P460-M

Nanatili ang budget para sa confidential funds ng Davao sa P460 milyon hanggang 2022. Ang lahat ng datos ay kinalap mula sa mga “legitimate sources” kaya hindi na umubra ang ganitong klaseng pambubudol. Kaya payo ko sa iyo Inday, kumbaga sa larong pekwa, “pass ka na.”

Tutuldukan ko ang isyu sa pamamagitan ng tweet ni @ELFilibusterosmo: “A country that loves liars, thieves, and murderers is cursed and only brings misfortune upon itself. Salot ang dala ng mga Marcos at Duterte…” Nawa’y maging maingat tayo sa pagpili ng mamumuno. Kasihan nawa tatong lahat ni Poong Kabunian.

***

Mga Harbat Sa Lambat: ” Noong una ang taas ng birit ni Stella Quimbo, halos mawalan ng boses sa kapapagtanggol kay kay Inday… Biglang kambiyo at binago ang tono niya ngayon… Laglagan blues na ba?… – Kathy Mendoza, netizen, kritiko

“Ikaw man ang magkaroon ng P125 M confidential funds, siguradong tataas ang iyong trust rating. That’s what your millions can do…” – Sander Bondoc, netizen, kritiko

“If you are confident, ako rin! Hala, confident ka dapat ipaliwanag kung saan mo ginamit ang iyong funds. Hindi man ako abogado, Auditor ako! Pero reminder lang, kahit ordinaryong mamamayan may karapatang alamin kung paano ginamit yan! Sabagay, wala akong duda, intelligent ka, kaya dapat alam mo kung saan at paano gamitin yan! In the end I still wish that you can say you are confidentially beautiful, with a heart! I can assure you, We, the public, are intelligent enough to see the truth behind that…” – Heidi Mendoza, dating pinuno ng COA

“Swallowing your pride shows your humility…

Swallowing another person’s money shows your thievery…”

-Sahid Sinsuat Glang, dating sugo, netizen, kritiko

“China is not a friend. She is not even a good neighbor.” – Risa Hontiveros, senador

“Ani ng isang Netizen, SINIBAK na daw sa puwesto yung lumamon ng $300…

Eh yung lumamon daw ng P125 Million?…” – Rich Mahusay, netizen, kritiko

***

Jok Taym:

Sermon sa misa:

PARI: Ang kayamanan at pera ay maiiwan natin kapag tayo ay mamamatay…

ANAK: Narinig mo yun Inay?… Nasa langit na tayo!!!…

***

Mga Pambansang Rekado:
(mula sa paminggalan ni Rudy Villar)

LIBAS: Isang isang uri ng puno na matatagpuan sa bulubunduking bahagi ng Panay at Negros na maihahambing sa puno ng batwan. Ang mga dahon nito ay nagbibigay ng kakaibang linamnam at asim na banayad. Katulad ni Rudy, ang iba tinutuyo ang mga dahon kung saan makukuha ang pulbos nito na binubudbod sa pasta o sabaw, kapag ginutay-gutay ang dahon binubudbod ito sa adobo o kaya sabaw. Ang mga sanga naman, katulad ng sanga ng tanglad, ginagamit sa pag ihaw ng manok o lechon. Dahil madalang na, iilan lang ang gumagamit ng dahon ng LIBAS.

***

mackoyv@gmail.com