Advertisers
INIHAHANDA na Ang kasong ‘perjury’ o’ kaso ng ‘pagsisinungaling’ sa dalawang estudyante na pinakikilalang mga militanteng ‘environmentalist’, yun pala’y mga New People’s Army na pala.
Pagsisinungaling na kaso o’ perjury ang kanilang paghaharapin dahil binawi nila ang kanilang mga sinabi sa kanilang sulat-kamay na sinumpaang salaysay na sila ay sumuko, ngunit nang iharap sa media, ang sabi ng dalawa ay dinukot daw sila ng militar.
Saganang akin, kailangang pag-aralan pa ang iba pang kasong puwedeng isampal sa mga ito. Pagtuunan din ng pansin ang ginawa nilang eskandalo noong presscon sa Plaridel, Bulacan kung saan iyon ang pinakamalaki nilang kasalanan. Panindigan natin ang mga nakasaad sa kanilanf sinumpaang salaysay.
Sa deliberasyon nga ng
Senate Committee on Finance para sa 2024 na P229.9-billion budget ng Department of National Defense, sinabi ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa na dapat lamang sampahan ng kaso sina Jonila Castro at Jhed Tamano.
Aral na aral daw ang dalawa sa mga taktika ng CPP-NPA-NDF na lokohin ang pamahalaan. Parang pakikipag-ugnayan ng mga komunistang-terorista sa pamahalaan na nais nitong magkaroon ng usapang pangkapayapaan, at sa kalagitnaan ay papatayin ang ating mga sundalo.
Kaya ang tugon naman ni
Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. ang kaso ay lubos na pinag-aaralan na upang di makalusot muli ang dalawa sa kanilang namanang kasinungalingan sa mga CPP-NPA-NDF.
Kaya aminado ang ating Philippine Army chief na si Lt.Gen. Roy Galido, na nakapangloko sila Castro at Tamano kahit na gumawa pa sila ng sinumpaang salaysay sa harap ng isang abogado ng Public Attorney’s Office.
Kailangan naman talagang sampahan ng kasong perjury ang dalawang ito, upang maitanim din sa kanilang isipan na ang kasinungalian at panglilinlang ay walang puwang sa lipunan na ang mga mamayan ay sumusunod sa mga alituntunin ng batas.
Mali ang kanilang natutunang paniniwala sa pagsali sa CPP-NPA-NDF at maging kanilang mga mahal sa buhay lalo na ang kanilang mga ama’t ina ay nagdurusa sa kanilang kinahinatnan.
Nakahanda naman ang pamahalaan na sila ay tulungan. Ang kinakailangan lamang ay ang kanilang kusang loob na pagbabalik-loob.
Marami na ang gaya nila, nagsuko sa pamahalaan at natulungang bumangon muli sampu ng kanilang mga pamilya. Kaya kung ako sa dalawang ito, walang ibang dapat baguhin kung di ang kanilang mga sariling isipan at paniniwala sa kilusang walang kakwenta-kwenta, ang komunistang-teroristang CPP-NPA-NDF na kinamumuhian na ng buong mundo.