Advertisers

Advertisers

Peace education, gagawin mandatory sa barangays

0 75

Advertisers

Plano ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos na gawin mandatory ang peace education sa mga barangay.

Maganda at tamang desisyon ang nais ni Abalos at ang isa sa pinakamaganda dito ay sisimulan sa mga barangay. Bakit kaya sa ibaba ang napili ni Abalos na simula ang pangangaral o kaalaman para sa kapayapaan at kaayusan, ibig bang sabihin ay matitino na ang mga gobernador, alkalde at mga tulad nilang lider sa lokal na pamahalaan? Hehehehe.

O baka kaya sa lebel ng barangay sisimulan ang peace education dahil maraming abusadong lider kuno sa barangay. Hindi naman lingid sa kaalaman natin na marami sa barangay ang abusado-porke kabilang sa volunteers, kabilang sa tanod at iba pa, ay akala mo’y hari na ng isang barangay.



Ang masama pa, maraming beses nang nangyaring ang mga tanod, volunteers ang nagsisimula ng gulo.

Kaya ang katanungan, ito nga ba ang dahilan para gawin mandatory ang peace education at sisimulan sa lebel ng barangay?



Hindi naman siguro at sa halip kaya sa barangay sisimulan o sa isang maliit na komunidad dahil ang mga maliliit na komunidad ang siyang bumubuo ng isang bayan kung saan ay madali din iimplementa ang dagdag kaalaman ng mga barangay leaders at volunteers sa anomang pagsasanay o seminars na kanilang dadaluhan…at madali din nilang ibahagi sa mamamayan ng isang barangay.

Sa puntong ito, magiging maayos ang peace and order sa barangay o sa buong isang bayan. At ang magiging resulta ay bababa ang krimen sa mga barangay o sa isang bayan.



Para magiging maayos ang plano, nakikipag-ugnayan na si Abalos sa Office of the Presidential Adviser of Peace, Reconciliation and Unity (OPAPRU) para sa implementasyon ng programa at ang pantas-aral o training program ay pangungunahan ng Local Government Academy (LGA).

Kapag ito ay sinimulan o inimplementa na ang peace education, ayon kay Abalos, ito ay magiging isa sa pamantayan sa
Seal of Good Local Governance (SGLG) Awards.

“We will win this war! After this seminar, I will go to the LGA with OPAPRU to conduct a seminar for all of our barangay and Sangguniang Kabataan officials after the election so that this program on peace education will be on the grassroots,” pahayag ni Abalos sa ginanap na 2nd National Peace Education Summit in Quezon City nitong Setyembre 26, 2023.

“Peace education in barangays can also be a criterion in granting the highly coveted SGLG Awards in a bid to further the goal of mainstreaming and bringing peace education to more communities,”dagdag ng Kalihim.

Pero bakit nga ba sa lebel ng barangay sisimulan ang pantas-aral para sa peace education? Well, wala po itong ipinagkaiba sa kampanya laban sa ilegal na droga. Ibinaba sa barangay ang gera upang madaling masugpo ang pagkakalat nito, ganun din sa peace education – simulan sa ibaba ang pagdisiplina.

‘Ika nga ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Jr. …”para sa ikakalunlad ng bayan, disiplina ang kailangan.”