Advertisers

Advertisers

EAC nanatiling perpekto sa NCAA basketball

0 58

Advertisers

NAKAMIT ng Emilio Aguinaldo College (EAC) ang kanilang ikalawang dikit na tagumpay laban sa Letran College, 75-65, sa National Collegiate Athletic Association (NCAA) Season 99 sa FilOil Centre sa San Juan Linggo.

Pinamunuan ni King Gurtiza ang opensiba ng Generals sa iniskor na 23 points, six rebounds at three assists, habang si JP Maguliano nagdagdag ng 14 points,11 rebounds,five assists at one block, Nat Cosejo nag-ambag ng 11 points at four rebounds.

Vince Cuajao may 12 points,five rebounds at two blocks habang si Paolo Javillonar bumakas ng 11 points at four rebounds para sa winless Knights.



Jose Rizal University (JRU) at San Beda University (SBU) ginulpi ang kanilang kanya-kanyang karibal para umangat sa 2-1 card.

Patrick Ramos umiskor ng 18 points at nine rebounds sa panalo ng JRU 70-61, kontra Mapua University.



Agem Miranda may 15 points,four assists, four steal at three rebounds habang si Marwin Dionisio bumakas ng 11 points at six rebounds,three assists at two steals.

Clint Escamis nagtapos ng 19 points,six steals,four assists at four rebounds para sa Mapua na nalasap ang kanilang unang kabiguan sa tatlong laban.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">