Sen. Imee nagbigay ng tulong financial sa mga estudyante ng Rizal Technological University sa Mandaluyong City
Advertisers
Sa unang araw ng trabaho ngayong Oktubre, bumisita si Senadora Imee R. Marcos sa San Juan City para magbigay ng financial assistance sa isang libo at limang daang (1,500) miyembro ng TODA. Kasama ang ahensya ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), nagbigay ng Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) sa mga kasapi ng TODA. Bawat isa sa kanila ay nakatanggap ng P3,000 tulong pinansyal.
Matapos makasama ang grupo ng TODA, nagtungo si Senadora Marcos sa Rizal Technological University sa Mandaluyong City para magbigay ng financial assistance para sa dalawang libong estudyante sa kolehiyo. Sampung milyong halaga ng ayuda ang ibinigay para sa mga estudyante ng Mandaluyong City.
Huling pinuntahan ng senador ang Pamantasan ng Lungsod ng Pasig sa Pasig City para mag-abot din ng tulong pinansyal dito. Dalawang libong (2,000) estudyante sa kolehiyo ang nakatanggap ng P5,000 cash mula sa programang AICS ng ahensya ng DSWD.
Sa kabuuan, limang libo at limang daang (5,500) benepisyaryo ang nabigyan ng ayuda mula sa pakikipagtulungan ni Senadora Imee at ng DSWD ngayong Lunes, Oktubre 2. (CESAR MORALES)

