Advertisers

Advertisers

SANGKATIRBANG BARIL NASAMSAM NG PULISYA

0 10

Advertisers

UMABOT sa 53 baril ang nasamsam ng Philippine National Police (PNP) Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa isinagawang pagsalakay sa isang tindahan ng mga baril sa Marikina City nitong Biyernes (Sept. 29, 2023).

Iprinisinta ni PNP Chief, General Benjamin Acorda, ang loose firearms na kinabibilangan ng 26 mahahaba at 27 maiiksing mga baril.

Ayon kay Acorda, sinalakay ang naturang tindahan sa bisa ng 2 search warrants kungsaan inaresto ang isang indibidwal.



Ikinababahala ni Acorda ang bentahan ng baril dahil bukod sa hindi lisensyado ay sa online pa ito itinitinda.

Kabilang sa mga parokyano ng tindahan ay mga gun enthusiasts, uniform personnel ng PNP at Armed Forces of the Philippines (AFP), at ilang politiko na mayroong private armed groups.



Sa ngayon, patuloy ang follow-up operation ng PNP CIDG upang matukoy kung sino-sino ang mga nakatransaksyon ng may-ari ng tindahan.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">