Advertisers
TALAGANG nag-enjoy ang Black Rider lead stars na sina Ruru Madrid at Yassi Pressman sa pagbisita sa bagong studio set ng Unang Hirit nitong Lunes (Oct. 9).
World-class ang bagong tahanan ng UH na may 360-degree rotating platform, LED video walls, at interactive monitor. Ang Emmy-award winner at U.S.-based company na FX Design Group lang naman ang nag-design nito.
Naki-TikTok pa sa set sina Ruru at Yassi kasama sina Morning Oppa Kaloy Tingcungco at Morning Sunshine Shaira Diaz. Hindi na nga siguro sila makapaghintay na mapanood si Ruru sa pagbabalik niya sa primetime via Black Rider. Trailer at BTS pa lang, makikita na maaksyon talaga ang bagong seryeng ito ni Ruru. Mga bigating action stars din mula sa iba’t ibang henerasyon ang makakasama niya rito.
Excited na rin sigurado ang fans ni Yasssi na mapanood siya sa isang action series sa Kapuso Network. Star-studded ang serye na bukod kina Kylie Padilla, Matteo Guidicelli at Katrina Halili ay kabilang din sina Jon Lucas, Rainier Castillo, Zoren Legaspi, Gladys Reyes, Empoy, Jayson Gainza, Janus del Prado, Isko Moreno, Joaquin Domagoso, at marami pang iba.
***
Rabiya Mateo nagpa-wow sa Opening Salvo ng Ati-Atihan Festival 2024
NAPA-‘Hala Bira!’ sa kasiyahan ang mga Kapusong nagtipon-tipon sa Opening Salvo ng Kalibo Sto. Niño Ati-Atihan Festival 2024 sa Pastrana Park ng Kalibo, Aklan. Kabilang sa nagbigay-kasiyahan sa nasabing event nitong October 7 si TiktoClock host at Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo courtesy of GMA Regional TV.
Ang Opening Salvo ang hudyat sa pagsisimula ng pinaka-inaabangang pista ng Senior Santo Niño sa Aklan na Ati-Atihan Festival na tinaguriang “mother of all festivals.” Mainit ang naging pagtanggap ng libu-libong Kapuso sa dance number ni Rabiya.
Ikinatuwa naman ito ni Rabiya. “What a night! Thank you, Kalibo, Aklan,” masayang pasasalamat ng Sparkle artist na sinabing isang karangalan na maging bahagi ng Opening Salvo ng Ati-Atihan Festival ng Aklan.
“I feel so honored to be here. Actually, this is my first time to be in Kalibo, Aklan, at grabe, overwhelming talaga ang dami ng mga tao who came to support the opening salvo. That’s why with great gratitude, I am just so happy to be part of this event,” say ni Rabiya sa isang interview.
***
Concert ng AOS Divas, papalapit na!
COUNTING the days na ang maraming Kapuso dahil palapit na nang palapit ang Queendom: Live, ang inaabangang concert ng All Out Sundays Divas produced by GMA Synergy. Happening ito on December 2 sa Newport Performing Arts Theater, Newport World Resorts.
For sure, excited na ang lahat na makita ang mga inihandang all-out performances at surprises nina Rita Daniela, Jessica Villarubin, Thea Astley, Mariane Osabel, Hannah Precillas, at s’yempre, ni Asia’s Limitless Star Julie Anne San Jose. Knowing them, siguradong pang world-class na entertainment ang ipakikita at ipapa-feel nila sa concert goers. Dagdag pa sa mga magpapa-excite sa fans ang kaabang-abang na lineup ng special guests na siguradong big names din sa industriya.
Huwag pahuhuli habang ongoing ang ticketselling sa www.gmanetwork.com/synergy at www.ticketworld.com.ph.