Advertisers

Advertisers

Mag-ama arestado sa kasong murder

0 10

Advertisers

ARESTADO ang isang mag-ama sa Quezon City dahil sa pagpatay sa kanilang kasamahan sa Cagayan noong nakaraang taon.

Unang sinilbihan ng arrest warrant si Romeo Caballero, 19 anyos, sa Barangay Pasong Tamo. Matapos ang ilang oras, natunton naman ang kaniyang amang si Rodel Caballero, 41, sa Barangay Holy Spirit.

Nahaharap ang mag-ama sa kasong murder sa Cagayan. Ayon sa pulisya, mahigit isang taon silang nagtago sa Quezon City at nagtatrabaho bilang pahinante ng truck.



“Sa pakikipagtulungan ng Solana Municipal Station, napag-alaman na dito nagtatago ‘yung mga subject for warrant, kaya ang mga operatiba natin agad na tinunton ‘yung mga suspek. Una nga nahuli itong anak, sumunod ang tatay,” ani Lieutenant Colonel May Genio, hepe ng Holy Spirit Police Station.

Naganap ang krimen noong Setyembre 2022 sa Peñablanca, Cagayan kungsaan natagpuan ang biktima sa loob ng isang septic tank.



Depensa ng mag-ama, hindi nila alam na may warrant laban sa kanila. Hindi rin daw sila nagtago at wala rin daw silang kinalaman sa nasabing krimen.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">