Advertisers

Advertisers

Trak tumirik sa highway: Tsuper tinodas ng towing crews

0 18

Advertisers

PATAY ang isang truck driver nang pagtulungang hatawin ng kahoy ng tatlong miyembro ng isang tow team sa Osmeña Highway corner Francisco St., Malate, Maynila noong Sabado, Nobyembre 4, ng gabi .

Naratay pa sa Makati Medical Center pero nasawi rin 7:00 ng gabi ng Linggo ang biktimang si Ronald Masangkay, 43, truck driver, ng Barangay Mawague, Pampanga.

Nakilala ang salarin na sina Michael Espiritu, tow team leader; Allan Paderes, tow truck assistant; at Laiza Paderes, helper, pawang taga-Makati City.



Sa imbestigasyon ni PSSgt. Irene Jay Manalili ng Manila Police District-Homicide Section, naka-park ang minamanehong truck na Izuzu Cargo-10 wheeler [RKU-738] kasama ang helper na si Sky Ledesma sa nabanggit na lugar dahil kinukumpuni ang nasirang shifter.

Paalis na ang truck nang harangin ng tow truck ng mga salarin na may body number na Mater 180, na may sakay na limang crews.



Kinumpronta ni Espiritu ang biktima dahil sa iligal umanong pag-park sa lugar at sinuntok ang biktima.

Bumaba ng sasakyan ang biktima para kumprontahin ang salarin pero muling hinataw sa ulo si Masangkay at sinundan pa ng hataw ni Allan. Nang bumagsak ang biktima nagsakayan sa kanilang tow truck ang grupo at tumakas.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">