Advertisers

Advertisers

ROZZ DANIELS IRE-REVIVE ANG OPM HIT SONG NA ‘IBANG-IBA KA NA’

0 53

Advertisers

Ni BLESSIE K. CIRERA

NGAYON pa lang ay inaabangan na ng mga sumusuporta at nagmamahal sa Soft Rock Diva na si Rozz Daniels ang nalalapit na pagre-record niya ng bagong female version ng Ibang-Iba Ka Na ni OPM icon Renz Verano.

Sa ilalim ng EBQ Music, bibigyan ng bagong bersyon ni Rozz ang Ibang-Iba Ka Na na naging hit sa music lovers dahil sa tagos sa pusong lyrics at music nito.



Sa Pebrero, 2024 ay nakatakdang bumalik ng Pinas si Rozz para mai-record na ang nasabing awit na nilikha nina Ms. Evie Quintua at ni late Efren Jumaquio.

Bukod pa riyan, magdaraos din si Rozz ng Valentine show kasama ang kanyang pamilya sa KUMU The Rocks and Rozz Show with Jerome Sangalang, Analyn Torregosa, Arnel Legaspi at Derf Dwayne.



Kung matatandaan, dalawang karangalan na ang nakamit sa taong ito ni Rozz, mula sa America Excellence Awards bilang Outstanding Pop Rock Diva 2023 last August 2023.

Personal na tinanggap ng nasabing singer ang kanyang award sa Celebrity Centre International Hollywood, CA, USA.



Sa Most Influential Filipino & Asian Awards naman nitong nakalipas na Oct. 1, 2023 ay tumanggap ng Best Rock Performer of the Year 2023 si Rozz.

May mga hinahanda pa si Rozz para sa kanyang singing career kaya sa malapit na pagiging recording artist niya ng bagong version ng Ibang-Iba Ka Na, marami na ang nae-excite kaya abangan nating lahat ito.