Advertisers

Advertisers

Mag-ama patay sa mag-utol na bayaw

0 18

Advertisers

KAPWA patay ang mag-ama nang pagsasaksakin ng 2 bayaw ng mga ito dahil sa away mag-asawa sa Barangay Maliksi 1, Bacoor City, Cavite.

Kinilala ang mga biktima na sina Ronald De Lima, 23 anyos; at Alfredo De Lima, kapwa residente ng nasabing lugar.

Sugatan naman ang 8 taon gulang na batang lalaki ‘nang madamay sa away ng mga ito.

Tinutugis na ng pulisya ang dalawang salarin na nakilala lamang sa mga alias Harry at Tuyo, bayaw ng biktima.

Ayon kay Police Master Sergeant Roberto Lacasa, may hawak ng kaso, 3:30 ng hapon nang maganap ang insidente kungsaan inabangan mga dalawang salarin si Ronaldo upang komprontahin.

Subali’t hindi pa man nakakapag-usap ay agad pinagtulungan ng mga salarin ang biktima, inundayan ng sunod sunod na saksak.

Nasaksihan ito ng ama ng biktima na si Alfredo kung kaya tumakbo ito palapit para sana aawat, subalit pinagtulungan din siyang sasaksakin.

Bago umano bumulagta ang biktima ay may naihagis itong isang bagay na biglang pumutok, dahilan upang tumama sa naglalakad na batang biktima.

Ayon sa pulisya, nag-ugat ang krimen nang magsumbong sa 2 sálarin ang kanilang kapatid na babae na asawa ni Ronaldo hinggil sa pananakit ng mister sa kanya. (Irine Gascon)