Advertisers

Advertisers

MISSING BEAUTY QUEEN NAKITANG DUGUAN ANG ULO KASAMA ANG PULIS

0 104

Advertisers

DALAWANG saksi ang nakakita sa nawawalang beauty queen at titser na si Catherine Camilon na duguan ito sa loob ng isang sasakyan, ayon sa opisyal ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ng Philippine National Police na nagsisiyasat sa kaso.

Halos isang buwan matapos maiulat ang pagkawala ni Camilon, kinilala ng dalawang saksi ang “person of interest” nang makita nila ito mismo sa isang bakanteng lote sa isang subdivision gabi ng Oktubre 12.

“Umiihi roon sa lugar, nakita ng suspek natin, nilapitan at tinutukan sila ng baril. Kaya they were able to identify. Lumapit sa kanila, tinutukan sila ng baril,” sabi ni Major General Romeo Caramat Jr, CIDG director.



Lumutang nitong Lunes ang dalawang saksi, na nagbigay ng kanilang mga sinumpaang salaysay sa CIDG.

Ayon sa dalawang saksi, may nakita rin silang tatlong lalaki sa lugar bago nila makita ang person of interest nang gabong iyon.



“Nakita nila ‘yung biktima na duguan sa ulo, inililipat from the victim’s car to another car. At nakita nila na duguan, nililipat ng tatlong lalaki,” sabi ni Caramat.

Ayon pa sa pulisya, personal driver ng person of interest ang nakita ng mga saksi na nanutok sa kanila ng baril.



Positibo raw na kinilala ng mga saksi ang person of interest dahil sa mga tattoo at pisikal na anyo nito.

Nakikita ng CIDG na love angle ang posibleng motibo sa kaso ng pagkawala ni Camilon.

“Quarrel among this victim at saka ‘yung suspek, na allegedly it is an open secret that they have a love relationship. Very obvious na doon sa sasakyan nakitang duguan ‘yung ulo ng biktima natin. It’s either hinampas ng baril or binaril doon mismo sa loob ng sasakyan,” sabi ni Caramat.

“We are conducting backtracking investigation with the help of two video footage of close circuit television camera that could help in the investigation,” ayon kay Col. Jacinto Malinao Jr, CIDG4A director.

Ayon kay Malinao, wala pa silang “physical proof” na ang nawawalang si Camilon “wala na” o yumao na.

Nasa dalawa o higit pang indibiduwal ang tinukoy na “persons of interests” (POIs) sa pagkawala ni Camilon.

Dagdag ng opisyal, doble trabaho ngayon ang mga imbestigador ng CIDG4A upang makakalap ng mga ebidensya laban sa mga POIs sa posibleng sangkot sa pagkawala ng beauty queen.

“We’re trying to identify with the help of evidence the people or persons who may be involved in Camilon’s disappearance,” pahayag ni Malinao.

Una nang sinabi ni PNP Chief, General Benjamin Acorda ,na may progreso na ang isinagawang imbestigasyon sa kaso ni Camilon at umapela siya sa mga POI na sumuko na sa mga awtoridad.

Ayon pa sa CIDG, hindi basta-basta ang person of interest na kanilang tinitignan dahil isa itong police officer (Major).

Ngunit lumilinaw na ang takbo ng imbestigasyon sa paglutang ng dalawang saksi.

Patuloy sa pagkalap ng ebidensya ang CIDG para mas mapagtibay ang kaso laban sa salarin, bagama’t sapat na ang mga ebidensya na kanilang hawak. (KOI LAURA)