Advertisers

Advertisers

JAIKBREAK SA MPD PS1: 9 preso pumuga, 5 balik rehas

0 22

Advertisers

TUMAKAS ang siyam na ‘persons deprived of liberty’ (PDL) ng Manila Police District (MPD) Station 1 sa Raxabago St., Tondo, Maynila nitong Miyerkoles ng madaling araw.

Ayon kay MPD Director, Colonel Arnold Thomas Ibay, naaresto naman ang lima sa siyam na pugante.
Patuloy namang pinaghahanap ang iba pang bilanggo na pawang nahaharap sa mga kasong illegal drugs, illegal possesion of firearms at mga may warrant of arrest.

Ayon sa MPD, ang nasabing mga preso ay ‘persons under PNP custody’ (PUPCs) na pawang inmates ng MPD-Station 1.



Nangyari ang insidente 1:30 ng madaling araw.

Ayon kay Ibay, pinuwersa ng inmates ang bakal ng gate ng selda na sakto lang na madaanan ng isang tao.



Agad naman aniyang ni-relieve sa pwesto ang Station commander na si Lt. Colonel Robert Mupas gayundin ang deputy, duty desk, at custodial officer na responsable sa nasabing istasyon.

Sinabi ni Ibay na kanila ring iimbestigahan ang kaanak ng isa sa mga tumakas na sinasaktan ang mga preso sa loob kaya nagawang tumakas ng mga ito.(Jocelyn Domenden)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">