Advertisers
KUMBINSIDO ang biyuda ng pinatay na brodkaster na si Juan Jumalon alyas “Johnny Walker” na personal na alitan mula sa away sa lupa ang dahilan ng pagpaslang sa kanyang mister habang nagpoprograma sa kanilang bahay sa Calamba, Misamis Oriental noong Linggo.
Ayon kay Jerrebel, hindi siya naniniwalang may kaugnayan sa trabaho ang pagpatay sa kanyang asawa.
“Kasi it’s only entertainment ang kanyang mga program sa radio. Hindi siya commentator. Plain broadcaster lang, ‘yung nagbabasa lang siya ng greetings, mga public service,” ani Jerrebel.
Mas malamang, aniya, na away sa lupa na nasa korte na ang dahilan kaya ito pinatay at negosyo nilang FM station.
Nitong Lunes, inilabas ng Philippine National Police (PNP) ang computerized sketch ng isa sa mga salarin na umaktong lookout at nasa gate ng bahay ng biktima.
Inilarawan ito na may taas na 5’5” hanggang 5’6”, medium build, maputi at nasa edad 40.
May P100,000 na pabuya para sa makapagbibigay ng impormasyon sa mga salarin.