Advertisers

Advertisers

Konsehal ng Legazpi, pinapababa sa puwesto ng DILG

0 21

Advertisers

NAGLABAS na ang Department of Interior and Local Government (DILG) ng resolusyong nag-uutos kay Legazpi City Councilor Al Barizo na bakantehin ang puwesto nito.

Kasunod ito ng pagpatibay ng Commission on Elections (COMELEC) sa resolusyon ng pagdidiskwalipika kay Barizo sa pagtakbo nitong konsehal sa nakaraang national and local elections noong Mayo 2022.

Inaatasan ang naturang ahensya na ipatupad ang resolusyon sa pamamagitan ng pagbigay ng kopya kay Barizo na nag-uutos sa pag-alis sa kanya ng anumang kapangyarihan at otoridad sa Office of the Councilor.



Natanggap narin ng Pamahalaang Panlalawigan ang kopya ng kautusan pati narin ang Legazpi City Hall.

Ngayon, hindi pa malinaw kung sino ang papalit sa kanya sa posisyon, subali’t nakikipagtulungan ang DILG kay Gov. Atty. Edcel Grex Lagman para sa maayos na transition.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">