Advertisers

Advertisers

Bokal pinatay, killer todas din

0 25

Advertisers

NASAWI ang isang provincial board member o “Bokal” nang barilin kungsaan napatay rin ang salarin ng mga sumaklolong kasamahan ng opisyal sa Barangay Buli-Buli, Sumisip, Basilan.

Sa ulat ng Sumisip Municipal Police Station kay Brigadier General Allan Nobleza, director ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region, parehong patay sanhi ng mga tama ng bala ang dalawang sangkot sa insidente na sina Nasser Asarul, kasapi ng Basilan Sangguniang Panlalawigan; at ang nakabarilang si Basid Karim.

Ayon sa Sumisip Police, nasa loob ng isang karenderya si Asarul at ilang kasama nang dumating ang galit na si Karim at pinagmumura sila nito.



Nagkaroon ng mainitang pagtatalo sina Asarul at Karim na bumunot ng .45 caliber pistol at biglang pinaputukan ang nasabing SP member ng ilang beses.

Nagtangkang tumakbo palayo si Karim nguni’t nahabol at nabaril ng mga kasama ni Asarul nang manlaban.



Agad na nasawi si Karim sa shootout habang mabilis na itinakbo si Asarul ng mga kawani ng Sumisip Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office sa Lamitan City District Hospital pero idineklarang dead-on-arrival.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">