Advertisers

Advertisers

PINAY NA BIKTIMA NG ‘SEX SLAVE’ , NAILIGTAS SA BULUBUNDUKING HOTEL SA MALAYSIA

0 55

Advertisers

BAGAMA’T nakaranas ng matinding ‘kalbaryo’ sa kamay ng illegal recruitment ay nailigtas pa rin ang isang Pinay na nakauwi ng Pilipinas matapos mabiktima ng sindikato ng sex trafficking sa Malaysia.

Ayon sa immigration authority, ang 20-anyos na biktima, ay dumating sa NAIA terminal 1 sakay ng Malaysian Airlines.

Sa impormasyon ng immigration ang biktima ay ni-recruit umano ng isang kakilala sa internet na nangako sa kanya ng housekeeping job sa Malaysia.



Nabatid sa ulat na ang biktima ay nakipagkita sa recruiter at sila ay unang bumiyahe sa lalawigan ng Palawan kung saan sila huminto sa isang isla at isinabay sa isa pang babae na ni-recruit din ng sindikato upang sumakay sa isang motorboat patungong Kota Kinabalu.

Naglakbay ang mga biktima sa mga bulubunduking lugar kung saan ay nakarating sa isang hotel sa Sibu, Malaysia at dito nanuluyan bilang mga sex worker.



Sa kuwento ng biktima,siya ay binihag at nakakaranas ng mga kalupitan, kabilang ang pagkaitan ng pagkain kung hindi niya matugunan ang mga hinihingi ng mga bumihag sa kanya.

Napilitan pa siyang magpa-abort nang matuklasan ng sindikato na ito ay nagdadalang-tao subalit kalaunan ay inilipat siya sa isa pang hotel sa Bintulu, Malaysia kung saan siya inilagay sa bilangguan makaraang salakayin ng Malaysian police ang kanilang pinagtataguang hotel.



Nakipag-ugnayan ang biktima sa Philippine Embassy sa Malaysia sa tulong ng Malaysian police.

Ang biktima ay tinulungan ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) matapos ang pakiusap at pormalidad ng pagdating sa immigration office.

Ang mga ganitong kaso ay nagpapakita ng malawakang human trafficking at dapat manatiling aktibo ang pagtutulungan sa mga stakeholder upang mabuwag ang mga sex trafficking network sa buong mundo. (JOJO SADIWA/JERRY TAN)