Advertisers

Advertisers

P5.768-trillion nat’l budget sa 2024 lusot na sa Senado

0 9

Advertisers

APRUBADO na ng Senado sa ikatlo at pinal na pagbasa ang panukalang P5.768 trilyon national budget para sa 2024.

Sa botong 21 na pabor, 0- negative vote at 1-abstain ay naaprubahan ang General Appropriations Bill o GAB sa 2nd at 3rd reading sa loob ng isang araw dahil sinertipikahan ito ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. bilang urgent.

Nag-abstain naman si Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III sa pagboto dahil sa pagtutol nito na sertipikahan ang GAB bilang urgent.



Bago ang pag-apruba ay inisa-isa ni Committee on Finance chairman Senator Sonny Angara ang major amendments sa bersyon ng Kamara, subalit hindi tinukoy ang halaga na involved dito.

Tanging inihayag lang ni Angara ang mahigit sa P1 bilyon augmentation sa budget ng Department of Science and Technology (DOST) at P50 million pagtaas sa budget ng Learner Support Program ng Department of Education (DepEd).

Wala naman binanggit ang Senador tungkol sa kontrobersyal na confidential and intelligence fund (CIF).

Matapos ang pag-apruba ng GAB, ay pag-uusapan ito sa bicameral conference kung saan ang mga mambabatas mula sa Senado at Kamara ay pagkakasunduin ang hindi mapagkasunduang probisyon ng dalawang kapulungan ng kongreso.

Sa sandaling magkasundo, ang pinal na bersyon ng GAB, raratipikahan ng Kamara at Senado saka ito ipapadala sa Malakanyang para ireview ng Presidente at saka aaprubahan. (Mylene Alfonso)