Advertisers

Advertisers

BOOM NG VIP PARKING SA NAIA, BINANGGA NG KELOT NA BANGAG SA DROGA

0 36

Advertisers

ISANG lalaking umano’y nasa impluwensiya ng ipinagbabawal na gamot ang inaresto ng mga otoridad matapos na banggain nito ang nakaharang na boom sa VIP parking area na nagdulot ng bahagyang tensyon sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 3 ,Pasay City kagabi.

Ang kaganapan ay lalong nagpahamak kay NOrberto Espino,52, nang madiskubre mula sa pag-iingat nito ang tatlong plastic sachet na naglalaman ng limang gramo ng hinihinalang shabu at drug paraphernalias.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng PNP Aviation Security Police Sub Station 3, ang suspek ay nagtangkang pumasok sa VIP parking kung saan hindi siya otorisado na pumarada dahil ito ay nakalaan lamang para sa mga empleyado at bisita ng airport.



Nabatid na habang nakababa ang boom ay nilapitan si Espino ng duty guard sakay ng minamaneho nitong dark gray Montero sport na may plakang OBE-206 subalit nagtuloy tuloy pa rin ito at binangga ang nakaharang na bakal sa entrance ng VIP parking kaya’t tumawag agad ng back-up ang ilang guwardya.

Nang dumating ang mga tauhan ng pulisya ay inaresto nila ang suspek na umano’y bangag sa droga kaya’t sa tulong na rin ng NAIA PDEA-IADITG ay nadiskubre nila na may nakatagong iligal na droga sa loob ng sasakyan.



Ang nadiskubreng umano’y shabu na may timbang na 5 grams ay nagkakahalaga ng P34,000. Kasama sa nakumpiska ang malalaking aluminum foil at drug paraphernalias.

Nasa custody ngayon ng NAIA-PDEA IADITG ang suspek na nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso na may kaugnayan sa illegal drugs at driving without license. (JOJO SADIWA / JERRY TAN)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">