Advertisers
Nasawi ang isang barangay chairman ng tambangan sa Zamboanga City nitong Biyernes ng umaga, December 1, 2023.
Agad na nasawi sa mga tama ng bala ang biktima, si Cawit Barangay Chairman Sebillo Molina, mas kilala bilang si Kapitan Beyong ng Cawit sa Zamboanga City.
Ayon sa Zamboanga City Police Office, patungo sana sa kanilang barangay government office si Molina, sakay ng kanyang motorsiklo, ng pagbabarilin ng mga armadong kalalakihan na mabilis na nakatakas.
Inaalam pa ang motibo ng krimen at pagkakakilalanlan ng salarin.