Advertisers
‘INFRASTRUCTURE THAT YOU CANNOT SEE’. Ito ang pahayag ni Senator Alan Peter Cayetano sa diskusyon nito kasama ang Committee on Science and Technology Technical Working Group (TWG) ng pag-usapan ang internet connectivity, nuclear power, at disaster resiliency sa Senado nitong Biyernes, December 1, 2023. Sa pagsusulong sa napapanahong modernisasyon ng PHIVOLCS at wastong paggamit ng nuclear energy sa iba’t ibang larangan, hinikayat ni Cayetano ang pamahalaan na ibigay ang nararapat na suporta para sa mga ito upang makapaghanda ang bansa sa hinaharap. “DICT, DOST, and DOE have the smallest budget but actually have the greatest potential in terms of changing the country,” wika niya. (CESAR MORALES)