Advertisers

Advertisers

Caregiver Welfare Act pirmado na ni PBBM

0 11

Advertisers

ISA nang ganap na batas ang “Caregiver Welfare Act” na naglalatag ng mga patakaran na naglalayong protektahan ang karapatan at kapakanan ng mga domestic caregivers.

Ito’y matapos lagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Republic Act No. 11965 kung saan kinikilala nito ang pangangailangan na ipagtanggol ang mga karapatan ng mga caregivers tungo sa marangal na trabaho at kita, at sundin ang isang patakaran na naglalayong protektahan sila laban sa pang-aabuso, panggigipit, karahasan, at economic exploitation.

Kabilang sa sakop ng batas ang mga caregivers na may trabaho sa loob ng bansa sa pribadong tahanan, nursing o care facilities, at iba pang residential na lugar, kasama na ang mga caregivers na direktang kinuha ng employer o naipuwesto sa Public Employment Services Office (PESO) at Private Employment Agency (PEA).



Sa ilalim ng batas, ang oras ng trabaho ng mga caregivers ay ibabatay sa kanilang kontrata, kaya’t may karapatan sila na magkaroon ng overtime pay kapag lumampas ang pasok sa walong oras nilang trabaho, at sa night shift differential na may minimum wage na hindi bababa sa angkop na minimum wage sa rehiyon.

Ang mga caregivers na nakapagsilbi ng hindi kukulangin sa isang buwan ng serbisyo ay may karapatan ding magkaroon ng 13th month pay na dapat bayaran nang hindi lalampas ng Disyembre 24 ng bawat taon, o sa pag-alis sa trabaho, at may leave credit na hindi kukulangin sa limang araw na may bayad para sa mga nagbigay ng hindi kukulangin sa isang taon ng serbisyo.



Maliban dito, sila rin ay sakop ng iba pang mga benepisyo tulad ng kontribusyon sa SSS, PhilHealth, Pag-Ibig, at sa lahat ng benepisyo na ayon sa mga naaangkop na probisyon ng batas. Maaari ring tapusin ng caregiver ang kanyang kontrata anumang oras bago ito mag-expire kung siya ay nagkakaranas ng verbal o emosyonal na pang-aabuso, at hindi makatarungan na pagtrato at pisikal na pang-aabuso.

Ang Caregiver Welfare Act ay magiging epektibo 15 araw matapos itong mailathala sa Official Gazette o sa dalawang pahayagan na may general circulation. (Gilbert Perdez/Vanz Fernandez)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">