Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
MATAPOS na madawit ni Andrea Brillantes sa hiwalayan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, may isa pang Kapamilya actress na isinasangkot na third party sa isyu, si Gillian Vicencio.
Marami naman ang nag-react at todo depensa kay Gillian, lalo pa’t nakasama pa ito ni Kathryn sa pelikulang “A Very Good Girl”.
Katunayan, maganda pa ang naging bonding nina Kathryn at Gillian habang nagpro-promote sila ng movie.
Wala ring napansing moments of awkwardness sa dalawa noong time na iyon kung saan break na pala ang magkasintahan.
Sa panig naman ni Gillian, nag-isyu agad ito sa social media ng pahayag para pabulaanan ang nasabing malisyosong balita.
Sa kanyang X social media account, nakiusap pa siya na huwag siyang idamay sa isyu dahil wala itong katotohanan.
Humingi rin siya ng respeto para igalang ang naging desisyon ng dating magkasintahan.
Pilit namang ikinokonek ng kibitzers ang naging paglilinaw na ito ni Gillian kay Andrea Brillantes na hanggang ngayon ay patuloy na napuputakti ng bashers dahil nananatiling tahimik pa rin sa pagkakadawit sa isyu bilang third party sa hiwalayan ng number one loveteam sa bansa.
Hinangaan din ang aktres sa ginawa niyang pagkaklaro agad ng kontrobersya sa kanila ni Daniel.
Sey naman ng kibitzers at maging ng showbiz insiders, ito raw ang panahon na dapat ay magsalita na rin si Andrea sa nabanggit na isyu lalo pa’t nakasisira ito ng kanyang reputasyon bilang artista.
Pagkatapos na pumutok ang balita sa Andrea at Kathniel issue ay nakukuyog din ang aktres.
Hirit pa ng mga nagmamarisol, kung noong nag-break sila ng ex na si Ricci Rivero ay hindi ito nanahimik, bakit daw tila dedma ito sa akusasyon sa kanya sa panahong dapat itong nagsasalita.
Dagdag pa ng mga nagmamahadera, kung nagawa raw nitong kumuda sa hiwalayan nila ng ex, kabalintunaan daw naman ito sa isyu ng pagdadawit sa kanya sa Kathniel.
May mga nagsabi pang nabawasan daw ang simpatiya ng mga kate-katera at sawsawera kay Blythe dahil bukod sa isyu kay DJ ay nali-link din ang aktres sa iba’t ibang lalake tulad nina Elijah Canlas at Kyle Echarri.