Advertisers

Advertisers

Paolo loyal kay Yen, idinenay si Arra

0 49

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

SA Fast Talk  with Boy Abunda, nagbigay ng pahayag ang “Eat Bulaga” host at magaling na actor na si Paolo Contis tungkol sa kumakalat na balitang may namumuong relasyon umano sa kanila ng co-host na si Arra Agustin.

Sa Talk or Dare, pinili ng actor na huwag iwasan ang isyu.



Kumasa siya sa hamon na sagutin ang mga alingasngas sa kanila ni Arra.

Tanong ng King of Talk: “Kayo ba talaga ni Arra, o kayo pa rin ni Yen?”



Walang kagatul-gatol naman ang naging tugon ng Kapuso actor.

“Kami pa ni Yen. And alam mo ‘yung kumakalat sa amin ni Arra, it’s an edited video of a portion in ‘Eat Bulaga’ and it was maliciously edited,” ani Paolo.



Nagpaliwanag pa siya tungkol sa kumalat na sweet moments nila ni Arra na caught on cam.

“Actually, it’s a skit, triangle ni Arra, ako and saka ni Candy, played by Betong, and they just keep posting the Arra side of it.”

Matatandaang kamakailan lang ay pinagpiyestahan ng mga marisol ang actor nang mag-viral ang nasabing video clip ng dalawa.

Nagkaroon tuloy ng espekulasyon na nagkakalabuan na o ipinagpalit na ni Paolo si Yen sa co-host.

Sa katunayan, hinanap pa nga nila si Paolo noong mag-birthday si Yen kamakailan.

Sey naman ng actor, nag-message lang daw ito sa Instagram account ng dyowa pero very much intact ang kanilang relasyon.