Advertisers

Advertisers

Kathryn ‘di dadalhin sa bagong bahay ang mga regalo ni Daniel, planong ibalik

0 359

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

SA nalalapit na paglipat nina Kathryn Bernardo sa ipinatayong bahay ng aktres sa kanyang pamilya bago mag- Pasko ay handang-handa na sila.

Pero may mga gamit daw na hindi na dadalhin pa sa bagong bahay nina Kathryn.



Ito nga raw ang mga bigay na regalo ng ex bf nitong si Daniel Padilla.

Gusto na raw ni Kathryn na ibalik sa dating boyfriend ang mga iniregalo sa kanya.



Katunayan nga raw ayon sa source ni Cristy Fermin, ikinahon na ito at inilagay muna sa kanilang bodega.

Plano raw ni Kath na isoli na nito lahat ng bigay or regalo ni Daniel.



Paraan daw ito ng aktres para sa mabilis na pagmo-move on.

***

KARYLLE NAG-DISAPPEAR SA GUESTING NINA DINGDONG AT MARIAN SA SHOWTIME

FIRST time lang nag-guest ang couple na Marian Rivera at Dingdong Dantes sa It’s Showtime para ipromote ang kanilang pelikula.

Pero napansin ng netizens na tila wala si Karylle sa guesting nang mag asawang Marian at Dingdong.

Kaya napaisip ang netizens at napatanong na di pa rin kaya nakaka- move on si Karylle na makita ang ex bf na si Dingdong sa kanilang show.

Bukod tangi naman na sa araw ng guesting ng DongYan napansin ang pag disappear ni Karylle.

Well, well, well… ‘Yun na!