Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
SA tsikahan with members of the entertainment press, sinabi ni Ara Mina na-inspire siyang gumawa ng pelikulang tulad ng MMFF entry na “Family of Two (A Mother and Son Story) nang mapanood nila ng mister na si Dave Almarinez ang Sharon Cuneta-Alden Richards starrer sa premiere night nito.
Katunayan, kinongratulate raw niya ang mga taong involved sa produksyon ng movie kasama na ang ex na si Patrick Meneses na isa sa mga producer ng nabanggit na MMFF movie.
Si Patrick ang tatay ng anak ng kanyang anak na si Mandy.
Hirit pa niya, nag-double date raw sila ng ex kasama ang kanyang mister at anak niya.
Sey pa niya, hindi rin daw isyu sa kanya at sa kanyang husband ang makipagprodyus o gumawa ng pelikula sa film outfit ng ex.
Willing din daw siyang makatrabaho ang kanyang ex na si Jomari Yllana sa isang pelikula kung sakaling magma-materialize ito.
Gayunpaman, definitely ay babu na raw siya sa paghuhubad.
Iyong mga kissing scenes daw naman ay depende sa hinihingi ng role o ng kuwento.
Masaya rin niyang ibinalita na nagbabalik siya sa paggawa ng teleserye dahil kasama siya sa bagong cast ng “Lovers/Liars” na makikipagkabugan siya sa acting with Claudine Barretto.
Speaking of veteran icon Ronaldo Valdez, nalulungkot daw siya sa pagkamatay nito na kabituin niya sa unfinished movie na “Poon” ni Adolfo Alix, Jr.
Hindi raw niya alam kung papalitan ang namayapang actor sa cast o ire-reshoot ang ilang mga eksena sa nasabing horror movie.
Happy naman si Ara dahil patuloy na nahahasa ang kanyang enterpreneural skills sa paggabay ng kanyang mister na si Dave na itinuturing niyang mentor.
Bukod kasi sa kanyang mga negosyo, katuwang din siya ni Dave sa pagpapalago ng A-Force Ventures, isang holding company na nag-iinvest sa female-led consumer, internet, at mobile startups.
Si Ara ay isa rin sa mga hepe ng NET25 Star Center at napapanood sa kanyang lifestyle, travel at magazine show na “Magandang ARAw” sa nabanggit na istasyon.