Advertisers

Advertisers

2 todas, 20 sugatan sa banggaan ng trak at van

0 10

Advertisers

Nasawi ang dalawang katao at dalawampu ang sugatan sa salpukan ng isang Close Aluminum Van Truck at isang Commuter Van sa bahagi ng Purok 4, Nagcuartelan, Aritao, Nueva Vizcaya.

Kinilala ang driver ng Toyota Hi-Ace Commuter Van na si Darwin Raquipo, 43 anyos, residente ng Victory Sur, Santiago City; habang ang driver ng Isuzu Aluminum Closed Van na si Ciriaco Vertodaso, 40 anyos, may asawa at residente ng Ineangan, Dupax Del Sur, Nueva Vizcaya.

Sa report, binabagtas ng mga nabanggit na sasakyan ang pambansang lansangan na sakop ng Purok 4, Barangay Nagcuartelan mula sa magkasalungat na direksyon.

Bigla na lamang nawalan ng kontrol sa manibela ang driver ng commuter van na dahilan upang masalpok nito ang Aluminum Closed Van Truck na nasa kasalungat na linya

Nasawi ang driver na si Vertodaso at isang pasahero ng commuter van na kinilalang si Mariano Prades, 46 anyos na residente ng Santiago City.

Galing sa Bicol ang magkakaanak na Villalon na pauwi na ng lungsod ng Santiago na may lulang 20 katao kabilang ang tsuper.

Sampu pa ang nasa pagamutan mula sa mga pasahero ng commuter van na nagtamo ng bali sa braso, binti at fracture sa ulo kabilang ang dalawang pahinante ng close van truck.

Inaalam pa sa ngayon ang halaga ng pinsala na iniwan ng aksidente habang tuluyan namang kinasuhan ang driver ng commuter van partikular ang kasong Reckless Imprudence Resulting in Homicide, Physical Injury at Damage to Property na isinailalim sa hospital arrest.(Rey Velasco)