Advertisers
MAS paiigtingin pa ng pamahalaan ang kampanya laban sa illegal recruitment, investment scams, at human trafficking ngayong taon.
Sa Bagong Pilipinas Ngayon public briefing, sinabi ni Department of Migrant Workers officer-in-charge Undersecretary Hans Leo Cacdac na nais nilang maglunsad ng crackdown sa mga illegal recruitment activities sa bansa.
Sinabi ni Cacdac na marami pang establisyimento na kailangang mapasara, kabilang na ang mga nag-o-operate online o sa social media.
Nasa 7,200 illegal recruitment sites o pages na aniya ang napa-takedown nila sa Facebook.
Maliban dito, sinabi ni Cacdac na target din nilang mapalawig pa ang anti-investments scam ng ahensya kung saan katuwang nila rito ang Securities and Exchange Commission o SEC.
Samantala, tiniyak din ng opisyal na dadalhin nila sa hustisya ang mga nabibiktimang OFWs para maparusahan ang mga salarin, mga illegal recruiters, at maging ang human traffickers at investment scammers. (Gilbert Perdez/Vanz Fernandez)