Advertisers
NAKUMPLETO na ng PLDT ang kanilang offseason recruitment matapos kunin ang serbisyo ni Kim Dy.
Makakasama ni Dy ang dating F2 Logistics teammates Kim Fajardo at Majoy Baron na kamakailan lang ay lumagda sa PLDT.
Inanunsyo ng High Speed Hitters ang development Linggo habang naghahanda para sa 2024 Premier Volleyball League sa mas mataas na antas bago ang parating na season’s kick off sa Pebrero.
Dy, itunuturing na isa sa pinakamatikas na opposite hitters sa bansa, ay nalaktawan ang 2nd All-Filipino Conference dahil sa knee injury na kanyang natamo sa panahon ng Invitational Conference.
Sa kabila ng mataas na ekspektasyon sa kanya,sinabi ng 28-year-old ace na handa siyang tuparin ang kanyang role at matuto ng bagong lessons sa kanyang bagong team.
“Stepping out of your comfort zone can be scary sometimes. But at the same time, that’s when you realize that you can learn so much more from new coaches and teammates,” Wika ni Dy, na naglaro sa Cargo Movers simula 2016.
Bukod kina Baron at Fajardo, muling makakasama ni Dy ang dating La Salle teammates Mika Reyes at makasama sa grupo sina Rhea Dimaculangan, Kath Arado, Dell Palomata, Erika Santos, and Fiola Ceballos.