Advertisers

Advertisers

Professor nangmamanyak ng male student

0 22

Advertisers

NAHAHARAP sa reklamong “pangmamanyak” ang isang lalaking propesor ng Cebu Technological University.

Tugon ng CTU, kinokonsidera nila ang pagsasampa ng legal na aksyon laban sa anonymous complainants na umaakusa sa kanilang propesor.

Ayon kay Atty. Joelie Marie Medalle, Presidential Chief of Staff and Acting Chief Administrative Officer ng CTU, Agosto 2023 nang makatanggap sila ng email mula sa isang unknown sender na umaakusa sa isang propesor ng sexual harassment sa lalaking estudyante.



Batay sa reklamo, nakita umano ang dalawa na natutulog sa loob ng classroom.

Ayon kay Medalle, nang matanggap nila ang reklamo, agad silang nagsagawa ng imbestigasyon at pinagpaliwanag ang inaakusahang propesor, na mariin namang itinanggi ang alegasyon.



Gayunman, dahil sa kawalan ng ebidensya at kooperasyon sa mga nagrereklamo, na-dismiss ito ng unibersidad.

“He even attended the conference, nag-schedule kami ng conference hearing with the committee, he attended. We also invited the complainant yung sa e-mail address na ginamit niya kasi anonymous eh, hindi naman siya naka-attend,” ani Medalle.



Matapos ma-dismiss ang sexual harassment complaint, nakatanggap pa sila ng panibagong reklamo mula sa sender kungsaan nabanggit ang dean at former dean ng paaralan. Tinanong rin umano ng unibersidad ang mga opisyal na nabanggit tungkol sa alegasyon pero hindi ito naglabas ng anumang statement dahil wala raw silang ideya tungkol sa reklamo.

Dahil dito, umapela si Medalle sa estudyante na diumano’y minolestiya ng propesor na maghain ng pormal na reklamo. Aniya, hindi ito-tolerate ng unibersidad ang nangyari lalo na kung mapapatunayan ang propesor na responsable sa insidente.

Sa ngayon, nakakapagturo pa ang nasabing propesor sa CTU.