Advertisers

Advertisers

NPA leader utas sa Samar

0 7

Advertisers

NASAWI ang isang lider ng New People’s Army (NPA) sa engkwentro sa 78th Infantry Battalion sa Barangay San Gabriel, Borongan City, Samar nitong Sabado, Enero 6.

Kinilala ng 8th Infantry Division ang nasawi na si Martin Colima na may mga alyas na “Maki”, “Seloy”, “Badong”, at “Antos”, secretary ng Sub-Regional Committee-Sesame, Eastern Visayas Regional Party Committee (EVRPC).

Nasamsam ng Army ang isang caliber .45 pistol at pitong backpack sa encounter site sa bulubundukin ng Borongan.



Nag-operate ang grupo ni Colima sa tri-boundaries ng Pinabacdao, Calbiga, at Basey sa Samar at sa probinsya ng Eastern Samar.

Sa report, utak si Colima sa pananambang sa Barangay Libuton, Borongan noong Disyembre 13, 2019 kungsaan isang pulis at tatlong sibilyan ang napatay at 12 iba pa kabilang ang tatlong menor de edad ang sugatan.



Patuloy ang pagtugis ng militar laban sa mga tumatakas na mga rebelde. (Boy Celario/Mark Obleada)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">