Advertisers
NASUNGKIT ng Team Harame Bro ang PUBG Mobile National Championship Philippines title matapos lupigin ang 16 na ibang teams sa Grand Finals na ginanap sa SM Mall of Asia.
Florenz “Phew” Taleon, Jholo “Federales” De Leon, Jon Michael “Emem” Cabig, Francis Carl “Range” Fusigan, at Dale “Dale” Origenes inuwi ang P150,000 matapos pagharian ang tournament. Karamihan sa kanila ay kinatawan ang bansa sa China para sa 2023 Asian Games.
Jholo “Federales” De Leon ang naging tournament’s MVP, ginulat ang 46 eliminations at overall damage na 8978.
Nangibabaw ang pangkat sa top spot sa Day 1 at Day 2 ng paligsahan.
Ang top 5 squads ay qualified rin para sa Pro League SEA Wildcard 2024 na gaganapin sa first quarter ng taon.