Advertisers

Advertisers

985 pulis sinibak sa serbisyo – PNP Chief

0 12

Advertisers

UMABOT na sa 985 na mga pulis ang tuluyang sinibak sa serbisyo dahil sa pagkakasangkot sa iba’t ibang mga iigal na aktibidades mula July 1, 2022 hanggang Enero 3, 2024, ayon kay Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Benjmain Acorda Jr..

Sa datos ng PNP, sinabi ni Acorda na umabot sa kabuuang 3,932 kaso ang naresolba kung saan 985 ang tuluyang sinibak sa serbisyo sanhi ng pagkakasakot sa iligal na droga at paggamit ng droga; 230 mga pulis naman ang pinatawan ng demotion; 1,701 na pulis naman ang pinatawan ng suspension kabilang ang 60 pulis na sangkot sa illegal drugs; 134 na pulis ang pinatawan ng forfeiture of salary; 694 na pulis kabilang ang 3 sangkot sa illegal drugs ang pinatawan ng reprimand; 79 pulis ang pinatawan ng restriction at 109 na pulis naman ang binawian ng privileges.

Aniya, ang 3,932 bilang ng mga pulis na napatawan ng karampatang parusa dahil sa pagkakasangkot sa iba’t ibang mga iligal na aktibidades ay nasa 0.25 percent ng kabuuang bilang ng police force.



Tiniyak naman ni Acorda na tuloy-tuloy ang kampanya ng kapulisan kontra iligal na droga na bahagi ng kanyang focus agenda at pagrespeto sa human rights. (Mark Obleada)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">