Advertisers

Advertisers

WIDODO NANGAKO KAY PBBM PAG-AARALAN MULI ANG KASO NI VELOSO

0 10

Advertisers

NAGBIGAY ng commitment si Indonesian President Joko Widodo kay Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na muling pag-aralan ang kaso ni Mary Jane Veloso.

Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Secretary Cheloy Garafil, ipinaabot ni Widodo ang pangako na ito matapos magkaroon ng bilateral meeting ang dalawa sa Malakanyang.

Sinabi ni Garafil, sa tuwing nagkakaroon ng pagkakataon ay iniaapela ni Pangulong Marcos ang kaso ni Veloso kay Widodo.



Dagdag pa ni Garafil, ang Indonesian government ay nagdesisyon na pag-aralan ang kaso ni Veloso na isinampa dito sa Pilipinas laban sa kanyang recruiter.

Sa kasalukuyan, hinihintay ng Indonesia ang desisyon ng korte hinggil sa isinampang kaso ni Veloso.



Sabi ni Garafil, binibigyan ng pagkakataon ang hukuman sa bansa na magsumite ng legal questions o legal interrogatories na magiging bahagi ng testimonya ni Veloso sa kanyang kaso laban sa recruiter.

Inaasahan naman ni Pangulong Marcos na ang legal questions ng korte ang magbibigay-daan para mabigyan ng clemency o kapatawaran si Veloso na kasalukuyang nasa death row sa Indonesia dahil sa kasong drug trafficking. (Gilbert Perdez/Vanz Fernandez)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">