Advertisers

Advertisers

PUV na ‘di nakapag-consolidate next month huhulihin – LTFRB…KOLORUM!

0 6

Advertisers

BINIGYANG-DIIN ng pamahalaan na simula sa susunod na buwan ikukunsidera nang kolorum at huhulin ang mga hindi nakapag-consolidate na PUV.

Ito ang binigyang diin nina LTFRB chairman Teofilo Guadiz at Office of Transportation Cooperatives chairman Andy Ortega sa kabila nang pagkwestyon ng ilang mambatas sa PUV modernization.

Iginiit nina Guadiz at Ortega na mismong si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na mismo ang nagbigay ng go signal hinggil dito.



Anila, alam ni Pangulong Marcos ang bawat detalye sa programa.

Binigyan-diin din ni Ortega na mayorya na ng mga operator ang nag-consolidate na.



Sa datos ng LTFRB, 75 percent na nationwide ang nag-consolidate o bahagi na ng kooperatiba na pangunahing requirement ng programa.

Sa datos, umaabot ng mahigit tatlumpung libo ang hindi nakapag-consolidate.



Pero ayon kina Guadiz at Ortega, sa mahigit tatlumpung libo ay marami rito ang hindi na bumibiyahe sa matagal nang panahon.

Kaugnay nito, inihayag ni Ortega na mananatili silang bukas sa mga mungkahi upang higit na mapaganda ang PUV modernization.

Nauna nang sinabi ni Pangulong Marcos na kailangan talaga ng modernization ng mga pampublikong sasakyan para labanan ang climate change. (Boy Celario)