Kim asang makahahanap agad ng bagong mamahalin; Piolo b-day wish ang marami pang proyekto sa edad na 47
Advertisers
Ni JIMI C. ESCALA
MALIBAN sa nangyari sa relasyon nila ng ilang taon niyang boyfriend na si Xian Lim ay positibo pa rin ang pananaw ng Kapamilya aktes na si Kim Chiu sa larangan ng pag-ibig.
Ayon sa sikat na aktres ay hindi raw siya dapat mawalan ng pag asa na sa darating na mga buwan o taon ay makakahanap na rin siya ng bagong mamahalin.
Kumbaga, willing pa rin daw siyang buksan ang puso para sa isang lalaking magiging kapalit ng isang Xian Lim, huh!
“Oo naman, hindi na muna sa ngayon, hopefully next months to come, next years to come pala,” napatawa pang sambit ni Kim sa mediacon ng very successful nilang serye na “Linlang” na mapanood na rin sa mga Kapamilya shows starting Jan. 22.
Napatawa pa ring dagdag ni Kim na naniniwala pa rin daw siya sa “love”dahil marami pa rin naman na willing magbigay sa kanya noon at very much willing din siyang tanggapin ito, huh!
Hindi personal na nakarating sa Dolphy Theatre sina Kim at Paolo Avelino na mga bida sa Dreamscape produced serye pero nakausap naman ang dalawa via zoom.
Ang nasa istudyo lang ấy si Diamond Star Maricel Soriano at Race Matias at ang mga direktor na sina Direk FM Reyes at Direk Jojo Saguin.
Incidentally, sabay na nagkaroon ng Covid sina Kim at Paolo kaya pareho silang hindi personal na nakausap ng media para sa promo ng “Linlang na magsisimula nang mapanood mula sa Prime Video sa A2Z channel, TV5, Kapamilya channel sa darating na Lunes.
***
STILL on Linlang, isa sa mga may mahalagang role sa nasabing Dreamscape serye ấy ang anak ni Herbert Bautista ba si Race Matias.
Sobrang naiinis ang marami sa karakter ni Race na maski nga raw ang amang dating mayor ng QC na si Herbert Bautista ay naiinis sa kanya, huh!
Kaya nga tuwang tuwa si Race sa mga natatanggap niyang reaksiyon. Pero ngayong ipalalabas na sa primetime sa TV5 at Kapamilya channel ay mas marami raw ang magkakagusto sa papel niya sa serye, huh!
***
AT 47 ay very much in love pa rin ang aktor na si Piolo Pascual sa showbiz career niya. Isa raw sa wish niya sa birthday niya ay ang gumawa pa rin ng maraming projects both sa TV at pelikula.
After ng Metro Manila Film Festival entry niyang Mallari na marami ang umaasa na masungkit ni Papa P ang “best actor” pero napunta sa isang baguhang aktor ay marami pa rin namang nakalinyang magagandang proyekto ang Kapamilya aktor, huh!
Isa sa pagkakaabalahan ni Piolo ngayon ay ang “Pamilya Sagrado” na pagbibidahan niya. Star studded ang project na bukod kay Piolo, ilan sa mga kasama niya ay sina Aiko Melendez, Shaina Magdayao, Rosanna Roces, Tirso Cruz III at iba pa.