Advertisers

Advertisers

Ara todo-deny na may kumpetensya kay Aiko; Alexa guwardiyado si KD

0 13

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

MARAMING katekatera at sawsawera ang nag-react sa latest Instagram post ni Alexa Ilacad.

Makikita kasi sa post niya ang litrato kung saan parang meron siyang hinihintay.



Takaw pansin din ang beautiful red hair ng Kapamilya actress.

May caption itong: “Saan ka? 💋”



Nag-reply naman ang kanyang love team partner na si KD Estrada.

Tugon ni KD:



“pauwi na.”

Hindi naman magkamayaw ang panunukso sa dalawa.
Pinusuan ito ni Loisa Andalio ng: “my sugarbb”
Tag naman ni Darla Sauler kay KD: @kdestrada_sagot!”
Komento naman ni Charlie Dizon:  “sa puso mo😍😍.”

Ito naman ang iba pang komento sa netizens.

“uwi kana ràw miss kana ni lex

“reminds me of “Miss mo ko? Miss kita eh” waaaaaaaah!!!! 😫🥰🦋

“uyyyy miss mo

“The new color is very becoming ❤️🧑‍🦰”

“Red hair suits you Lex. Super Ganda mo. A living Barbie Doll indeed😍🤍

“Sabi ko umuwi na sya. Now na! 😂

Hirit naman ng kibitzers, bantay-sarado raw si Alexa kay KD sa paninita nito sa love team partner.

May mga nang-uurot pa na inaander ni Alexa si KD.

***

SA guesting ni Ara Mina sa Fast Talk with Boy Abunda, naurot ng King of Talk ang aktres hinggil sa matagal nang isyu sa kanila ni Aiko Melendez.

Ani Ara, bagama’t hindi raw masasabing close friends sila ni Aiko, okey daw naman sila.

Inintriga rin ang aktres tungkol sa common denominator sa kanila ni Aiko pagdating sa pakikipagrelasyon.

Bago kasi naging Mrs. Almarinez ang aktres ay na-link siya noon kay Jomari Yllana na ama ng anak ni Aiko na si Andrei.

Open book din na nakarelasyon niya ang Bulacan mayor Patrick Meneses kung saan meron siyang anak na si Mandy.

Incidentally, bago pa naman nagkaroon ng relasyon si Aiko kay Zambales Congressman Jay Khonghun ay minsan din siyang na-link kay Meneses.

Ani Ara, hanggang ngayon daw ay di niya mawari kung bakit pareho silang na-link sa mga nasabing personalidad.

Nilinaw din niya na hindi ito sinasadya at nagkataon lang.

Wala rin daw sa bokabularyo niya ang makipagkumpentensya kay Aiko pagdating sa lovelife.

Sa ngayon, happy na raw siya at halos wala nang mahihiling pa sa piling ng kanyang asawang negosyante.

Bukod sa malambing, suportado raw nito hindi lang ang kanyang pag-aartista at iba pang mga plano sa buhay.

Si Ara ay balik sa pag-arte sa telebisyon sa seryeng “Lovers Liars” kung saan  nakikipagtagisan siya ng galing kay Claudine Barretto.