Advertisers
Mariing hiniling ng mga mindoreño kay Department of Interior and Local Govenment (DILG) Secretary Benhur Abalos ang agarang imbestigasyon sa umano’y pangungunsinti at pagbibigay proteksyon ng ilang matataas na opisyal ng kapulisan sa iligal na sugal tulad ng jueteng, color games at drop ball na matagal ng talamak sa Oriental Mindoro.
Ayon sa reklamo na pansamantalang tumangging magpabanggit ng kanilang mga pangalan, naging bulag, pipi at bingi si Oriental Mindoro Provincial Director PCOL SAMUEL DELORINO maging ang mga chief of police sa bawat bayan at siyudad sa nasabing lalawigan sa lantarang operasyon ng jueteng maging ang sugal sa loob ng mga peryahan na mismong mga matataas na opisyal ng PNP ang nangunguna sa paglabag sa batas (PD 1602) dahil sa proteksyon ibinibigay sa mga gambling operator.
Tinukoy nila ang umanoy lantarang pangungubra ng taya ng mga kubrador ng jueteng maging ang mga perwisyong sugal lupa tulad ng color games at drop ball na front ay peryahan na diumanoy pahirap sa mga mahihirap, ayon sumbong.
Batay sa reklamo, front lamang ang mga rides sa perya upang hindi mahalata ang “gambling operation” na inaabot ng madaling araw.
Saganang akin, isa sa mga dahilan ng pagtaas ng krimen sa isang bayan, siyudad at lalawigan ay ilegal na droga at sugal na kapag wala ng pangbili at pang-taya ay magsasanla, magbenta ng mga ari-arian, magnakaw at gumawa ng krimen dahil ang bisyong sugal at droga ay parehong nakakaadik.
Ayon nga kay PLt. Col Danilo Driz, chief of police ng Calapan City, posibleng pagnanakaw din ang motibo sa krimen kaya pinatay si Dr. Augustine Bolor Jr., na mas kilala bilang “Doc Teng”, Kagawad ng Barangay San Vicente Central, Calapan City na nadiskubre ang kanyang bangkay 8:30 ng umaga noong Linggo.Minsan nang nag-viral sa social media ang biktima dahil sa napakaraming suot na alahas.
Noon lamang nakaraang linggo, nagkaroon ng rambulan ang grupo ng mga kabataan sa isang peryahan sa Oriental Mindoro ayon sa sumbong na pinarating sa inyong lingkod.
Ayon sa reklamo, inaabot ng madaling araw ang mga sugarol halos hindi na natutulog sa paglalaro ng color games at drop ball sa mga bayan ng Bongabong, Naujan, Victoria, Baco, San Teodoro, Puerto Galera, Socorro, Bansud, Roxas, Calapan City, Mansalay, Gloria, Pola, Pinamalayan at San Teodoro.
Nauna rito, ay nanawagan din ang mga residente kay PRO MIMAROPA Regional Director PBGen Roger Quesada. na aksyunan ang mga salot at perwisyong sugal na matagal ng talamak sa lalawigan ni Governor Humerlito “Bonz’ Dolor.
Mistulang umanong balewala sa mga kapulisan ng Oriental Mindoro ang mga naging babala at pagbabanta ni Philippine National Police (PNP) Chief, Police General Benjamin Acorda Jr. na wala itong sisinuhin sa mga police commander na mabibigong patigilin ang illegal gambling sa kanilang hurisdiksyon dahil alam nitong kapado ng mga pulis ang lahat ng sugalan sa kanilang mga lugar.
Batay nga sa sumbong na ipinarating sa inyong lingkod ng ilang concerned citizen, tila TABLADO ang “One Strike” Policy ni Acorda sa nasabing probinsya dahil kahit kaylan ay hindi ito napatigil at patuloy na namamayagpag ang operasyon nito.
Naniniwala din ang ilang sektor na bumabatikos nito na hindi ito mapapahinto ni Col Delorino maging ng mga chief of police dahil sa umanoy milyong piso na daloy ng “weekly payola” at “good will” ang tinatanggap ng ilang tiwaling PNP officials mula sa gambling operation.
Wagbibitiw may Part-4 pa ito!
***
Suhestiyon at reaksyon tumawag sa 09397177977/09368625001 o di kaya mag email sa balyador69@gmail.com