Advertisers
INIREKOMENDA ng Private Sector Advisory Council (PSAC) kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na pansamantalang mag-alok ng 30-araw na visa-free entry para sa mga turista sa bansa.
Layunin nitong suportahan ang “Visit, Stay, Spend Money and Return” ng mga dayuhang bisita.
Ayon sa PSAC Tourism Sector, inaasahan na makakatulong ito sa pagpapagaan at pagpabilis ng proseso ng visa, gaya ng ginagawa sa Thailand, Vietnam, at Malaysia.
Samantala, tinalakay din ng PSAC kay PBBM ang posibleng pagkuha ng 3rd-party service provider na mangangasiwa sa E-Visa System.
Maliban dito, isinulong ang pagsasaayos ng Public-Private Partnership para sa pagpapaganda ng mga regional airports. (Gilbert Perdez)