Advertisers
PINASINAYAAN ni Senador Lito Lapid ang ipinatayo nitong Senator Manuel “Lito” Lapid Covered Court sa Pampanga State Agricultural University (PSAU), Magalang, Pampanga ngayong araw.
Ang pondo sa proyektong ito ay nagmula sa allocation ng tanggapan ni Sen. Lapid bilang tugon sa kahilingan ng PSAU sa pamamagitan ng Presidente nitong si Dra. Anita G. David.
Sinimulan ipatayo ang proyekto noong 2019.
Dumalo rin sa blessing and ribbon cutting sina TIEZA COO Mark Lapid, Mayor Maria Lourdes Lacson at Councilor Norman Lacson, Dr. Jeronie Baltazar at faculty ng unibersidad.



