Advertisers

Advertisers

Isa pang underage OFW pinigil, Tansingco nababahala sa pagsulpot muli ng trafficking

0 13

Advertisers

NAGPAHAYAG ng pagkadismaya si Bureau of Immigration (BI) Commissioner Norman Tansingco matapos na mapigilan ang isa pang biktima ng trafficking na tangkang umalis ng bansa.

Sinabi ni Tansingco, na naganap ang pagharang sa isang alias Lia, na nagtangkang umalis ng bansa patungong Muscat, Oman noong Lunes bilang overseas Filipino worker.

“Our alert primary inspection officer noticed that she seemed very young compared to her presented document, she was referred for secondary inspection,” sabi ni Tansingco.



Napansin ng mga opisyal na si Lia ay nagpakilalang 30-anyos at magtatrabaho bilang household service worker sa Oman, subalit napansin nila na mas bata ang itsura para sa kanyang edad.

“The immigration officers had reason to believe that she is underage, given the numerous inconsistencies in her statements and passports,” saad pa ni Tansingco.



Inamin din ni Lia kalaunan na ang kanyang passport, birth certificates, at iba pang dokumento ay ginawa sa Marawi sa pamamagitan ng isang ahente. Sinabi pa nito na siya ay tumutuloy sa isang tirahan na pag-aari ng kanyang agency sa Parañaque sa loob ng anim na buwan at ang lahat ng kanyang dokumento ay ibinigay lang sa kanya sa labas ng airport bago ang kanyang flight.

Sa Pilipinas, ang minimum age para makapagtrabaho bilang HSWs ay 24-anyos. Noong mga nakaraan , nakaharang na rin ang BI ng maraming kaso ng panlilinlang kung saan pinalalabas na mukhang mas matanda ang mga biktimang Pilipino upang malusutan lamang ang age requirement ng mga menor de edad.



“We are worried that this might mean that there is a resurgence of the modus,” pahayag ni Tansingco.

“Hence we are forwarding this to the proper authorities for further investigation to be able to catch these recruiters,” dagdag pa nito.

Ang biktima ay inindorso sa Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) para asistihan at tulungan sa pagsasampa ng kaso laban sa kanyang recruiters. (JERRY S. TAN/JOJO SADIWA)