Advertisers
NASAWI sa pamamaril ang isang security guard sa Pikit Cotabato nitong Biyernes ng umaga, January 26, 2024.
Kinilala ang napaslang na si Apolinario Taniongon Apolinario, 38 anyos, security guard, ng Barangay Takepan, Pikit.
Sa ulat, hindi na umabot ng buhay sa pagamutan ang biktima.
Ayon sa report, sakay ang biktima ng motorsiklo patungo sa trabaho nang pagbabarilin ng mga lalaking armado ng M16 assault rifles.
Nitong Huwebes, January 25, 2024, ay pinatay din ang isang Thong Alagasi sa hindi kalayuang Barangay Takepan na sakop ng Pikit.
Sa tala, hindi bababa sa 60 na ang napapatay sa mga serye ng pamamaril sa Pikit mula 2022, lahat walang naging kalutasan, kaya kilala na ang Pikit bilang “crime capital sa rehiyon.