Advertisers

Advertisers

“SPARE MY BROTHER FROM EVILS” — IMEE MARCOS

0 19

Advertisers

Nanalangin si Senadora Imee Marcos para sa proteksyon ng kanyang kapatid na si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., at ilayo aniya ito sa “mga demonyo” sa Malacañang Palace.

“Haplusin nawa ninyo ang puso ng aking kapatid, ang Pangulo ng Pilipinas; buksan nyo ang kanyang mga mata at bigyan nyo sya ng kaliwanagan ng pag-iisip—gisingin nyo po siya at ilayo sa mga demonyong nakapaligid,” ani Marcos.

Ang panalangin ni Senadora Marcos ay sa gitna ng inilarawan ni Senate President Migz Zubiri na “Constitutional Crisis” dahil sa pagsusulong ng Charter Change sa pamamagitan ng People’s Initiative na itinutulak umano ng pamunuan ng Kamara.



Magugunitang naghain ng manifesto ang 24 na mga senador na kumukondena sa People’s Initiative.

Nilalayon nitong amyendahan ang 1987 Philippine Constitution sa pamamagitan ng pagpapahintulot sa lahat ng miyembro ng Kongreso na sama-samang bumoto sa mga iminungkahing pagbabago sa Konstitusyon sa isang Constituent Assembly.



Nagbabala ang mga senador na ang voting jointly sa isang Constituent Assembly (CON ASS) ay hindi pahihintulutan ang mga senador na “magsumite ng anumang makabuluhang boto laban sa 316 na miyembro ng House of Representatives.”

“Malinaw na gawa ito ng mga taong nais na mamalagi ng matagal na panahon sa poder at paikutin ang batas pabor sa kanilang personal na interes”.



Direktang tinukoy ni Senadora Imee ang mala- demonyong ilusyon ng kanyang pinsang si Speaker Romualdez na maging prime minister and eventually palitan ang kanyang kapatid na si PBBM bilang Pangulo sa 2028.

“Di ko alam kung anong ginawa nila sa kapatid ko para kanilang mamanipula at magamit sa kanilang senister plans”,pahayag pa ng senadora.

Sa obserbasyon natin,mistulang “hostage” si PBBM ng kung sinong grupo para maging sunud- sunuran na lang sa kumpas nina Romualdez at ni First Lady Liza Araneta Marcos.

Di natin alam kung anong mga compelling reasons kung bakit naging sunud- sunuran nga si President Bongbong Marcos sa mga taong nakapaligid sa kanya.

Pero ang lantarang sinabi ni Sen.Imee sa kanyang dalangin o dasal para sa kanyang kapatid na si PBBM ay direktang nagpapatunay sa mala- demonyong pagmamanipula sa tungkuling dapat sanay malayang ginagampanan ng kanyang kapatid alang alang sa bayan.

Indikasyong sadyang malala ang problema at krisis na kinakaharap ng bansa.

May kasunod…

Abangan!

***

PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com