Advertisers

Advertisers

ROMUALDEZ ITINURO SA KONTROBERSIYAL NA PIRMA PARA SA CHA-CHA!

0 13

Advertisers

INAMIN ng lead convenor ng People’s Initiative for Modernization and Reform Action (PIRMA) sa harap ng mga Senador na nakipag-ugnayan siya kay House Speaker Martin Romualdez upang makakuha ng 3% ng pirma sa bawat congressional district para sa people’s initiative para amyendahan ang konstitusyon.

“That was the time that I coordinated with the Speaker…That was the time that I sought the help of the Speaker to help us in the signature campaign,” wika ni PIRMA lead convenor Noel Oñate sa ginanap na pagdinig kahapon ng Senate committee on Electoral Reforms and People’s Participation kaugnay sa signature drive para sa Cha-Cha.

Sa pagtatanong ni Sen. Imee Marcos, chairman ng komite kay Oñate kung sinusuportahan ng Speaker ang grupong PIRMA, ang tugon naman niya, “Yes, we coordinate with the Speaker and the congressmen in getting the 3% per congressional district. That’s correct, madam senator.”



Ginawa ni Oñate ang pag-amin matapos ipakita ni Marcos ang larawan niya kasama sina Romualdez, Ako-Bicol Rep. Elizaldy Co, at ilang abogado na may caption na “People’s Initiative for Charter Change Staff Meeting” na may petsang Enero 8, 2024.

Idinepensa ni Oñate na siya ang humiling ng pulong ngunit napagkasunduan na idaos ang naturang pulong sa bahay ni Romualdez.



Noong una, sinabi ni Oñate, sa pagtatanong ni Sen. Francis Escudero, na nakipagpulong lamang siya kina House constitutional amendments chairman Rufus Rodriguez at dating Ako-Bicol Rep. Alfredo Garbin.

Nang tanungin kung bakit hindi niya binanggit sina Romualdez at Co sa unang mga tanong ni Escudero, sinabi ng lead convenor ng PIRMA na nakaligtaan niya ito.



Sinabi pa ng lead convenor ng PIRMA na ang mga pag-uusap tungkol sa people’s initiative ay nagsimula lamang noong Enero 2 at siya ay nagboluntaryong sabihin kay Garbin.

Inamin ni Oñate na ‘administrative’ at ‘advisory’ lamang ang hiningi niyang tulong nang makipagpulong siya kay Romualdez.

“Administrative and advisory because being the Speaker, he is like CEO (Chief Executive Officer) of Congress,” tugon ni Oñate sa tanong ni Escudero.

“‘Yung mga tao namin pupunta sa isang distrito, makikipag-coordinate sa mga congressman because the congressman who is in turn CEO of the district kaya natural lamang na puntahan yung mga congressman,” dagdag pa nito.

Nabatid na sa signature campaign sa pamumuno ng PIRMA tinatanong nila ang mga botante kung pabor sila na amyendahan ang Article 17 Section 1 ng konstitusyon sa pamamagitan ng pagpapahintulot sa lahat ng miyembro ng Kongreso na magkaroon ng jointly vote sa mga inirekomenda na pagbabago sa konstitusyon. (Mylene Alfonso)