Advertisers

Advertisers

Bianca idiniin, ilaw ng buhay niya si Ruru; Anak nina Gladys at Christopher, recording artist na

0 8

Advertisers

Ni JIMI ESCALA

MAGKASAMANG dumating sa wedding anniversary nina Gladys Reyes at Christopher Roxas at 18th birthday ng panganay na anak ng dalawa sina Ruru Madrid at Bianca Umali.
Hanggang sa pag-akyat sa stage kung saan tinawag ni Gladys si Ruru kasama ang lahat ng close friends ng una ay ka-holding hands ng aktor si Bianca, huh!

Hindi rin naman tumanggi ang dalawa at nagpaunlak pa ng interview sa press.
Bukod sa kanyang “Black Rider” ay kasama na rin si Ruru sa second season ng Running Man Philippines.
Banggit ng Kapuso aktor na abangan na lang daw ng lahat kung ano ang magiging papel niya sa RMP na kinunan na sa South Korea, huh!



Ayon naman Kay Bianca, si Ruru raw ang masasabi niyang ilaw sa buhay niya.
Kuwento pa ni Bianca na sa buong buhay daw niya ay nag-iisa siya at dahil na rin sa pagka-independent ay malayo siya sa pamilya niya at hindi rin siya nakisalamuha sa lahat.
Nagbago raw yun nang dumating sa buhay niya ang si Ruru.
“Na achieve ko na maibigay sa sarili ko yung faith ko then nailapit niya ako ulit sa pamilya ko at saka yung naging self improvement ko ngayon,” sey pa ni Bianca habang ka-holding hands si Ruru, huh?!

***
SPEAKING of the birthday boy Christophe Roxas, napaluha ang panganay na anak nina Gladys at Christopher hindi dahil sa bongga ang b-day celebration niya kundi dahil sa sorpresa na natanggap niya sa kanyang 18th b-day.



Dumating ang mga big boss ng ABS CBN Star Music na sina Sir Roxy Liquigan, Jonathan Manalo at iba pang pinuno ng nasabing recording company.
Sa mismong kaarawan ni Christophe ay inanunsiyo ang pagiging contract star niya under Star Music at doon na rin ginanap ang contract signing.
Hindi makapaniwala ang panganay na anak ni Gladys na mag-uumpisa na ang kanyang pagiging recording artist, huh!

Siyempre, very proud parents sina Gladys at Christopher. Napatawa pa nga si Gladys at baka mag-umpisa na rin daw ang pagiging stage mother niya, huh!
Well, our congratulations to Christophe and also to Gladys and Christopher Roxas.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">