Advertisers
Ni BLESSIE K. CIRERA
MASAYA at sobrang pasasalamat sa GMA7 ni Sen. Bong Revilla dahil ibinalik ang kanyang sitcom na Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis.
Nakadagdag ng kasiyahan ng senadot na bukod sa mga dati na niyang nakasama sa pangunguna ng gumaganap niyang misis na si Gloria (Beauty Gonzalez), pasok na rin sa cast ang ilang personalidad na bubuo sa kuwento ng part 2 ng Walang Matigas…na magpapainog sa karakter ni Bong bilang Major Bartolome ‘Tolome’ Reynaldo, isang matapang na pulis pero ander de saya ni Gloria.
Asahan na ang mas katatawanang hatid ng sitcom na magbabalik na simula sa Linggo, Feb. 4, alas-7:15 ng gabi.
Kasama pa rin sa bagong yugto ng Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis sina Carmi Martin, Niño Muhlach, Maey Bautista, Raphael Landicho at Max Collins.
Tsika ni Sen. Bong na asahan na raw ng mga manonood na mas masaya at magiging happy raw ang kanilang Linggo sa pagtang-kilik ng kanilang show na binusisi anya nila para mas mapaganda pa.
Kahit may pagkaka- taon na nasaktan ang mata ng actor-politician ay balewala lang basta mabigyan ng magandang panoorin ang audience.
Pasok na rin sa bubuo ng cast ng Walang Matigas… sina Jestoni Alarcon, Ejay Falcon, Liezel Lopez, Dennis Padilla, Nikki Co, Angek Leighton, Jeffrey Tam.
Join pa sa pagpapasaya ng mga Kapuso every Sunday sina Kelvin Miranda, Herlene Budol, Dion Ignacio, Lianne Valentin, Celeste Cortessi, Mika Salamanca at Sanya Looez.
May special participation din ang mga kilala at respetadong action stars na sina ER Ejercito, Rou Vinzon, Jay Manalo, Ramon Christopher Gutierrez, Antonio Aquitania, at Michael de Mesa.
Tiyak na sasaya ang mga Sunday nights nyo sa panunuod ng nagbabalik na Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis mula sa direksyon ni Enzo Williams simula sa Pebrero 4 sa GMA Network.