Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
KUMASA sa kakaibang challenge ang Kapuso couple na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa isang vlog.
Sumalang sila sa lie detector test.
Sa panimula, ipinaliwanag ni Dingdong ang similarity ng kanilang working relationship at relasyon bilang mag-asawa.
“Whenever we are at work, dynamic at swak na swak kami…perfect fit. When we started as a love team and then naging love team kami for life…so whenever we’re at work parang ganoon pa rin talaga, swak na swak kami and also ganoon din sa bahay,” lahad ni Dingdong.
Sumang-ayon naman si Marian na sanggang-dikit sila ng mister sa maraming bagay.
“Para kaming clay na kahit sabihin mong magkaiba ang shape, pag pinagsama mo, magmo-mold into one shape,” sey ni Marian.
Sa challenge, natanong si Dingdong kung nagbago raw ba ang misis since na makilala niya ito.
Yes and no ang naging tugon ng Kapuso Primetime King. Yes daw dahil nag-change ito for the better at no dahil taglay pa rin nito ang traits ng aktres mula nang makilala niya ito.
Sa question naman, kung na-in love agad si Yan sa first meeting nila ni Dong, hindi naman niya ito ikinaila.
Aniya, hindi raw naman siyang makikipag-date sa isang tao kung di niya ito type.
Dagdag pa niya, hindi rin daw siya mag-aaksaya ng panahon kung di siya interesado sa isang tao.
Gayunpaman, nagbigay naman siya ng konting disclaimer na naging proseso raw sa kanya ang tuluyang ma-in love sa aktor.
Sa tanong naman kung ano ang mas mahirap na i-manage sa kanya between career at household, mas challenging daw sa kanya ang huli ayon kay Marian.
Pagbibiro ng Kapuso Primetime Queen, mas taxing daw sa kanya ang pamahalaan ang household dahil sa daming kunsumisyon.
Naurot naman ni Dong ang kabiyak kung kasama siya sa kunsumisyon nito.
Sagot ni Marian: “Konti”.
Sa naturang vlog, ibinuking din ni Marian ang ilang sikreto ni Dong.
Aniya, matagal daw umebak ang mister at minsan ay inaabot ng isang oras sa toilet.
Hirit pa niya, minsan ay tapos na raw siya sa gawaing bahay at pag babalikan daw niya si Dong ay nasa banyo pa rin ito.
Kinontra naman siya ni Dong sa pagsasabing the most na inilalagi niya sa toilet ay mga 35 minutes.
Sinabi rin ni Yan na mas nag-eenjoy siya sa TikTok kesa Instagram dahil nagagawa niya ang gusto niyang gawin tulad ng magsayaw o magluto nang hindi nakakakahon.